Coco Martin, kinabiliban sa paggabay niya kay Miles Ocampo sa trending performance nito

Coco Martin, kinabiliban sa paggabay niya kay Miles Ocampo sa trending performance nito

- Kinabiliban si Coco Martin matapos mag-viral ang behind-the scene ng trending na eksena nina Miles Ocampo at Ryza Cenon sa palengke

- Makikita sa video kung paano ginabayan ni Coco ang dalawa kaugnay sa eksenang talaga namang pinag-usapan

- Hindi lang simpleng panuto ang kanyang binigay dahil mismong siya ay pinapakita kung paano nila gagawin ang eksena

- Umani din ng papuri sina Ryza at Miles dahil sa husay nila sa eksenang iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban si Coco Martin matapos ipakita sa social media ang isang behind-the-scene video ng trending na eksena ni Miles Ocampo kung saan nanganak ito sa palengke. Sa naturang behind-the-scene video ay makikita kung paano ginabayan ni Coco sina Miles at Ryza.

Coco Martin, kinabiliban sa paggabay niya kay Miles Ocampo sa trending performance nito
Coco Martin, kinabiliban sa paggabay niya kay Miles Ocampo sa trending performance nito (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Kasabay ng pagbibigay ni Coco ng panuto ay mismong siya ay nagpakita sa kanila kung paano nila dapat gawin ang eksena. Marami ang humanga sa husay ng pag-direk niya gayong siya din ang bida ng bagong serye na FPJ's Batang Quiapo.

Read also

Zeinab Harake, Valentine's date ang mga anak na sina Lucas at Bia

Umani din ng papuri sina Ryza at Miles dahil sa husay nila sa eksenang iyon. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Galing ni coco as an actor & director at ganda ng scene na yan maiyak ka talaga. Bravo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Superb! Instructions lang pero more than the expectation ang pagganap ni Miles.
Kaya pla ang ganda ng kinalabasan ng eksena, ang galing ni Coco as a director and sina Miles at Ryza ang galing ding artist...

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Read also

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.

Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel