Cristy, sa umano'y sama ng loob noon ni PNoy kay Kris: "Galit na galit ang kuya niya sa kanya"

Cristy, sa umano'y sama ng loob noon ni PNoy kay Kris: "Galit na galit ang kuya niya sa kanya"

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y naging sama ng loob ng namayapang dating Pangulong Noynoy Aquino sa kapatid na si Kris

- Nasagap umano ni Cristy na isang Congressman ang nagparating noon sa dating pangulo ng nais na ipagawa ng kapatid nitong si Kris

- Hindi raw sang-ayon ang dating pangulo dito dahilan para sumama ang loob sa kapatid

- Maging ang anak nitong si Josh na malapit sa dating pangulo ay pinasasamahan na lamang nito sa kanyang kuya ngunit hindi raw noon nasasamahan ni Kris dahil dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y nalaman niyang dahilan bakit mayroong hindi pagkakaunawaan noon ang namayapang dating pangulo na si Noynoy Aquino at kapatid nitong si Kris Aquino.

Cristy, sa umano'y sama ng loob noon ni PNoy kay Kris: "Galit na galit ang kuya niya sa kanya"
Dating Pangulong Noynoy Aquino kasama ang kapatid na si Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nailahad ito ni Cristy sa Showbiz Now Na! kung saan natalakay nila ang pag-post ni Kris ng tungkol sa kanyang saloobin na natataon sa mahalagang araw ng kanilang buhay. Nauna na rito ang kaarawan ng kanyang ina na si dating president Cory Aquino at kamakailan nga ay ang kaarawan ng namayapang dating pangulo.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Kaya naman nabanggit ni Cristy ang kanya umanong nalaman bakit nagkaroon ng hidwaan noon ang magkapatid.

"At meron akong alam na isang dahilan kung bakit galit na galit ang kuya niya sa kanya," ani Cristy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Oo, sobrang galit. Isang kaibigan ni PNoy ang tumawag sa kanya. Bakit ganito 'yung kapatid mo? Nagpapahanap ng alam mo na," pagdedetalye pa nito na sinundan pa ng "Bakit kailangang dumating sa point na ganun? Saka galit na galit sila sa isyu ng pagpaslang," ayon pa kay Cristy.

Dahil dito, apektado umano noon ang samahan ng dalawa bilang magkapatid na tipong hindi na umano sumasama noon si Kris kung nais na makasama ni PNoy si Josh na kanya na lamang pinasasamahan.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa kanilang channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica