Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar

Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar

- Kinaaliwan si Moira Dela Torre nang tawagin niya mula sa audience ang tinawag niyang si Kuya Christian

- Ito ang nag-komento kamakailan kung pwede daw siyang magpasabay ng danggit sa pagpunta niya sa Qatar

- Nang makaakyat sa stage ang kanyang tinawag ay kinaaliwan ang kanilang nakakatawang pag-uusap

- Hinanapan pa daw siya nito ng chicharon matapos niyang iabot ang pinasabay na danggit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inabot ni Moira Dela Torre nang personal ang danggit na pinasabay sa kanya ng isang netizen sa kanyang pagpunta sa Qatar. Tinawag ni Moira sa audience si Christian na siyang nagkomento kamakailan tungkol dito.

Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar
Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Nang tanungin ni Moira si Christian kung may nami-miss ito sa Pilipinas sinagot siya nito na ang danggit ang kanyang na-miss.

Ani Moira, siya mismo ang nagbalot ng naturang danggit. Pabiro pa siyang hinanapan ng chicharon ni Christian. Napuno naman ng tawanan mula sa audience dahil sa mga litanya ni Moira kaugnay dito.

Read also

Cristy, sa paghingi ng tawad ni Willie: "Sa susunod maniniwala pa ba kami sa'yo?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate