Zeinab Harake, inulan ng papuri sa first Araneta performance niya sa "Pinakamakinang concert"

Zeinab Harake, inulan ng papuri sa first Araneta performance niya sa "Pinakamakinang concert"

- Inulan ng papuri si Zeinab Harake sa kanyang unang performance sa Araneta Coliseum

- Ito ay para sa "Pinakamakinang" concert ng Brilliant Skin sa pangunguna ng CEO nito na si Glenda Dela Cruz

- Bukod kasi sa kanyang solo performance, nakasama rin niya si 'Miss Glenda' at si Andrea Brillantes

- Isa si Zeinab sa mga kilalang personalities na endorsers ng Brilliant Skin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang namangha kay Zeinab Harake dahil sa ipinakita nitong performance sa 'Pinakamakinang' concert na ginanap noong February 7.

Zeinab Harake, inulan ng papuri sa first Araneta performance niya sa "Pinakamakinang concert"
Zeinab Harake (Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito ang concert na handog ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz.

Isa lamang si Zeinab sa mga kilalang personalidad na napanood sa isang bonggang concert na ginanap sa Araneta Coliseum.

Read also

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Maririnig ang hiyawan ng mga tao bago pa man pumasok si Zeinab. Lalo na nang magsimula na ang kanyang solo dance number.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Zeinab na labis ang saya niya na maging bahagi ng napakalaking event na iyon ng Brilliant Skin.

Bukod sa solo performance, nakasama rin niya sa stage sina Miss Glenda at maging si Andrea Brillantes.

Mas lalong natuwa ang mga nanood sa kanilang performance lalo na at nagsama-sama ang tatlo sa entablado.

Narito ang ilang komento ng netizens:

"That's what I call a good performance! Congratulations, Zeinab! Proud ako sa'yo"
"We're so proud of you Zebbie... Deserve mo lahat 'yan"
"Shine like a diamond Zeb! What a performance"
"More blessings sa'yo Queen Zeinab, Napakahusay mo po"
"Performance level talaga. Ibang klase"
"Total entertainment, pinaghandaan talaga. Ang galing niyo po!"

Read also

Jhong Hilario, pinakita ang nakakaaliw na pagkanta ni Baby Sari

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel