Yen Santos, nag-iba ng timpla kay Paolo Contis ayon sa source ni Cristy Fermin

Yen Santos, nag-iba ng timpla kay Paolo Contis ayon sa source ni Cristy Fermin

- Nag-iba umano ang timpla ni Yen Santos sa kasintahan nitong si Paolo Contis

- Ayon sa source ni Cristy Fermin, ito ay matapos maisiwalat mismo ng aktor ang tungkol sa mga anak

- Malaki raw umano ang posibilidad na maaring mangyari kay Yen ang mga nagawa ni Paolo kay Lian at kay LJ

- Kamakailan ay isinapubliko na nina Paolo Contis at Yen Santos ang matagal nang napapabalita nilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nag-iba na raw umano ang timpla ni Yen Santos sa boyfriend nitong si Paolo Contis.

Yen Santos, nag-iba ng timpla kay Paolo Contis ayon sa source ni Cristy Fermin
Yen Santos (@ys)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na isiwalat ni Paolo tungkol sa komunikasyon at sustento niya sa kanyang mga anak kina Lian Paz at kay LJ Reyes.

Ayon mismo sa souce ni Cristy Fermin, na sa umpisa'y maayos ang takbo ng relasyon nina Yen at Paolo na ngayo'y unti-unti na raw umanong nababago.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

"May mga naglalabasan 'di umano, May mga sources po kami na hindi nanununog at hindi nangunguryente, na noon daw pong una'y okay lang. Pero nang lumabas na raw po ang kwento tungkol sa mga ginagawa ni Paolo Contis sa kanyang mga anak kay LJ Reyes at Lian Paz, iba na ang timpla."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

May mga sumisingaw din umanong tsismis na si Yen ang nagdadala at gumagastos para aktor gayung mas marami raw itong naipon at naipundar buhat nang ito ay mag-artista ilang taon halos bago magsimula ang pandemya.

Subalit, dala ng mga nagdaang relasyon ni Paolo lalo na ang tungkol sa mga anak nito hindi maaalis ang posibilidad na ito rin umano ang sapitin ni Yen.

"Hindi nila maaalis na maaring mangyari kay Yen yung nangyari kina Lj at kay Lian Paz 'di ba?" ani Cristy.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Yen Santos ay isang aktres sa Pilipinas. Gumawa ng matinding ingay ang kanyang pangalan sa teleseryeng Halik kung saan nakasama niya sina Yam Concepcion, Jericho Rosales at Sam Milby. At nito lamang 2021, bumida rin siya sa pelikulang A Faraway Land kung saan niya nakasama si Paolo Contis.

Dahil din sa naturang pelikula, nakamit niya ang best actress award mula sa Gawad Urian Awards 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel