Cristy Fermin, puring-puri si Coco Martin sa paraan ng pagtulong nito
- Pinuri ni Cristy Fermin si Coco Martin kaugnay sa napabalitang pagtulong nito sa batikang aktor na si Pen Medina nang maoperahan ito
- Aniya, hindi pa malalaman ng publiko ang tungkol sa kanyang pagtulong kung hindi ikinuwento ng taong kanyang natulungan
- Pinuri din niya ang ginawang pagtawag ni Coco kay Pen at inalok ito kung kaya na nitong bumalik sa trabaho
- Ito umano ang totoong pagtulong, yung itinataas ang halaga ng tao at hindi pinagmukhang kaawa-awa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Puring-puri ni Cristy Fermin ang aktor na si Coco Martin kaugnay sa pagtulong nito kay Pen Medina. Sa kanyang programang Cristy Ferminute, sinabi niyang kung hindi pa naikwento ni Pen ay hindi malalaman ng tao ang tungkol sa pinaabot na tulong ni Coco.

Source: Instagram
Ani Cristy, maganda ang ginawang pagtawag ni Coco kay Pen para alukin ng trabaho kung kaya na nitong magtrabaho. Ito umano ang totoong pagtulong, yung itinataas ang halaga ng tao at hinid pinagmukhang kaawa-awa.
Ito umano ang tulong na mula sa puso dahil hindi pinangangalandakan sa mga tao.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang sa ginanap na media conference para sa seryeng "Batang Quiapo," naging emosyonal si Pen nang ibahagi ang kanyang pasasalamat sa ginawang tulong sa kanya ni Coco hindi lang sa kanyang pagpapaopera kundi sa pagkuha sa kanya sa trabaho para unti-unti silang makabangon.
Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.
Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.
Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh