Cristy Fermin, naantig sa napag-usapan nila ni Pokwang: "Nabagbag ang damdamin ko"

Cristy Fermin, naantig sa napag-usapan nila ni Pokwang: "Nabagbag ang damdamin ko"

- Isa umano si Cristy Fermin sa mga naanting ang damdamin sa mga rebelasyon ni Pokwang

- Kahanga-hangan umano ang katatagan ni Pokwang na kinaya ang pakikisama kay Lee O'Brian

- Ayon din umano kay Pokwang sa huling pag-uusap nila ni Cristy, ayaw niya na siya'y kinakaawaan

- Ani Cristy, marami pa umanong dapat na ipagpasalamat si Pokwang tulad ng kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa kontrobersyal na naging relasyon nina Pokwang at Lee O'Brian.

Cristy Fermin, naantig sa mga nasabi ni Pokwang ukol sa kalagayan ng puso niya ngayon
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa naging rebelasyon ni Pokwang nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fask Talk sa GMA.

Ani Cristy, labis na nakakadurog ng puso ang ginawa ni Pokwang na pagsalba ng relasyon nito kay Lee alang-alang sa anak nilang si Malia.

Read also

Luis Manzano, dinipensahan ni Cristy: "Siya man po ay mayroon ding kwestyon"

"Nakakalungkot kasi si Pokwang kinalaban ang buong mundo pa ra dito kay Lee O'Brian. Pero 'yung pakikipaglaban pala niya, nauwi lamang sa wala 'di ba?" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naantig din umano ang damdamin ni Cristy sa mga nasabi ni Pokwang nang minsan makausap niya ito.

"Sabi niya noong huli kaming nag-usap, 'Nanay, wag mo akong kaawaan. Mauubos din ang luha ko. Nabagbag ang damdamin ko na 'mauubos din nanay ang luha ko," salaysay ni Cristy.

Kaya naman pinayuhan niya si Pokwang na labis pa ring nasasaktan sa kinahinatnan ng relasyon niya sa ama ng kanyang bunsong anak.

"Oo, totoo yun kasi sabi ko sa kanya, anak ang problema ay hindi naman nakikipanirahan yan. Isang araw, iiwanan ka rin ng problema. Naroon din ang punto ng realisasyon. Nagkakamali talaga tayo paminsan-minsan.

Read also

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

"Si Pokwang, naging bulag, pipi at bingi. Lahat.pinagtakpan niya. Parang ano ito e, lahat ng mga kamalian, ng pagkukulang, ng kalabisan... nang dahil sa pag-ibig," dagdag pa niya.

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel