Heart Evangelista, masaya sa pagiging supportive sa kanya ni Chiz Escudero

Heart Evangelista, masaya sa pagiging supportive sa kanya ni Chiz Escudero

- Nagsalita si Heart Evangelista sa kaugnay sa panunukso ng mga kasamahan ni Chiz Escudero

- Sa panayam ni Nelson Canlas, sinabi ni Heart na nakakahiya na umabot pa sa senado ang tungkol dito ngunit masaya daw siya na makitang supportive ang mga kasamahan ng mister

- Nabanggit din ni Heart na sinuportahan siya at sinamahan ni Chiz sa Paris couture week

- Aniya, nagiging mas masaya siya sa buhay at sa trabaho dahil sa suportang natatanggap mula sa asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Heart Evangelista, nakakahiya daw na umabot pa sa senado ang tungkol sa kanila ng kanyang mister ngunit, masaya daw siya na makitang supportive ang mga kasamahan ng mister. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Heart, Nabanggit din ni Heart na sinuportahan siya at sinamahan ni Chiz sa Paris couture week.

Read also

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine

Heart Evangelista, masaya sa pagiging supportive sa kanya ni Chiz Escudero
Heart Evangelista, masaya sa pagiging supportive sa kanya ni Chiz Escudero (@iamhearte)
Source: Instagram
"Nakakahiya umabot pa kami sa senado. But it's nice to see everybody being supportive with one another."

Aniya, nagiging mas masaya siya sa buhay at sa trabaho dahil sa suportang natatanggap mula sa asawa.

"You become happy when you embrace your growth and people around you support you. My husband has been very supportive lately,"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel