Cristy Fermin: "Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid"

Cristy Fermin: "Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid"

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang tungkol sa kanseladong concert ni James Reid sa North America

- Sinasabing isa sa nakikita nilang dahilan ay ang insidente ng umano'y pagtataray ni James sa naging concert nila noon ni Nadine

- Napansin din umano ni na Cristy ang halaga ni Nadine sa love team nila noon ni James

- Napag-usapan din nila ang naging career move ni James mula nang umalis ito sa Viva at isinulong ang kanyang karera sa Amerika

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay ang tungkol sa kanseladong concert ni James Reid sa Amerika.

Cristy Fermin; "Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid"
James Reid (@james)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa sa nakita umanong dahilan nina Cristy ay ang nakarating sa kanilang balita na may tinarayan 'di umano si James sa dating concert nila ni Nadine Lustre.

Read also

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine

"Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid. Papaano siya magtatagumpay dito sa Winnipeg? e tinaray-tarayan niya ang mga tagarito noong last concert nila ni Nadine."

Sa nangyayari raw ngayon kay James, lalong lumitaw ang pangalan ni Nadine na siyang nagdala ng kanilang love team noon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dito, obvious na obvious na 'yung babae ang lumutang. Kasi alam naman natin, naging best actress. Kumita pa, nag-number one ang pelikulang deleter ni Nadine Lustre. So kayang-kaya pala nito ni Nadine na wala si James Reid. Pero itong si James Reid, anong naganap? Kailangan niya talaga itong si Nadine."

"Ngayon nagkaalaman. Bakit hindi niya nasabi na kaya na-cancel yung kanyang concert tour na ito e hindi gumalaw ang bilihan ng ticket," dagdag pa ni Cristy.

Napag-usapan din nila ang ginawang career move ni James nang umalis ito sa Viva at hinarap ang kapalaran niya sa Amerika.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

"Kumbaga, minaliit mo itong napakalaking milagrong ginawa sa karera mo. Sa pag-asa mo na kapag ikaw na lang ang nag-manage ng karera mo ay totodo nang husto ang kasikatan mo, anyare?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel