Bangs Garcia, masayang binalita na pumasa siya sa British Citizenship test

Bangs Garcia, masayang binalita na pumasa siya sa British Citizenship test

- Binahagi ni Bangs Garcia na pumasa siya sa “Life in the UK” exam o kilala din bilang British Citizenship test

- Ito ay kailangang maipasa para sa mga immigrants bilang bahagi ng mga tuntunin ng immigration sa United Kingdom

- Bukod sa kanyang pagpasa, nagdiwang din silang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary

- Unang araw din umano ng anak nila sa paaralan kaya marami silang dapat ipagdiwang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Bangs Garcia, naipasa niya ang “Life in the UK” exam o kilala din bilang British Citizenship test. Bukod sa kanyang pagpasa, nagdiwang din silang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary.

Bangs Garcia, masayang binalita na pumasa siya sa British Citizenship test
Bangs Garcia, masayang binalita na pumasa siya sa British Citizenship test (@valeriebangsgarcia)
Source: Instagram

Unang araw din umano ng anak nila sa paaralan kaya marami silang dapat ipagdiwang.

Appreciation post for myself. It was indeed a special day the other day because we did not just celebrate our wedding anniv. but also the passing of my “Life in the UK” exam!!! I studied hard, therefore, I was able to finish the test within 5 min

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bangs Garcia ay isang aktres sa telebisyon na ipinanganak sa Davao City, Philippines. Nag-aral siya sa Ateneo de Davao University mula 1993-2005. Nanalo siya sa isang interschool talent competition na tinatawag na Campus Idols noong 2004. Naging host siya sa isang teen variety show sa ABS-CBN Davao.

Marami ang namangha nang ibahagi ni Bangs ang kanyang picture matapos niyang manganak sa ikatlong anak nila ng mister. Ayon sa mga netizens ay mukha itong hindi nanganak. Isa umano sa mga sekreto ni Bangs ay ang pagsuot ng waist-high underwear at belly binder sa loob ng walong oras sa isang araw. Aniya dapat ay subukan ding panatilihin ang "tuck-in" position sa loob ng sampung segundo.

Hindi naman pinalampas ni Bangs ang isang netizen na nagkomento sa social media post ng aktres. Ang kanyang post ay ang picture ng British passport ng kanyang anak na si Isabella. Ilan sa mga netizens ang nagsabing dapat ay maging mas maingat si Bangs pagdating sa mga bagay na pinopost nito sa social media kagaya na lamang ng passport lalo at nakikita ang ilang impormasyon tungkol sa kanyang anak. Sagot ni Bangs, ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pamilya ay nakikita naman sa internet dahil public figure siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel