Madam Inutz, nagpaparamdam umano ang mga 'boys' buhat nang siya'y mag-viral

Madam Inutz, nagpaparamdam umano ang mga 'boys' buhat nang siya'y mag-viral

- Naikwento ni Madam Inutz na minsan nang nagparamdam ang kanyang mga ex-boyfriend mula nang siya ay mag-viral

- Aniya pati ang dati niyang crush na hindi naman niya nakarelasyon ay nagpaparamdam na rin sa kanya

- Nabanggit din niya na kahit bago pa man siya makilala, kaya niyang kumita ng P40,000 hanggang P50,000 sa isang araw

- Sa ngayon, pati ang dream house niya para sa pamilya lalo na sa kanyang ina ay naisakatuparan na nya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaparamdam umano ang mga boys sa buhay ni Madam Inutz buhat nang gumawa siya ng ingay sa social media.

Madam Inutz, nagpaparamdam umano ang mga 'boys' buhat nang siya'y mag-viral
Madam Inutz (Daily Lopez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naikweto ni Madam Inutz ang pinagdaanan ng kanyang pamilya na naging inspirasyon niya sa pagiging negosyante.

Aniya, bago pa man siya mapasok sa showbiz, sapat na rin naman ang kanyang kinikita bilang online seller.

Read also

Ryssi, ipinakilala ang kanyang baby boy; ipinakita ang mga kaganapan sa binyag nito

Sa loob kasi ng nasa pitong oras kung saan magsusukat siya ng nasa 300 na damit. Sa maghapon, maari umano siyang kumita ng nasa P40,000 hanggang P50,000

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman bago pa naman daw siya noon na mag-viral ay kilala na umano.

"Sobra! Kahit 'yung dating mga crush ko nagpaparamdam na. At saka ito pa, 'yung mga ex boyfriend ko na foreigner nagpaparamdam na," aniya.

Ganun din naman ang ama ng kanyang mga anak na pawang mga kaibigan naman niya umano.

"Lagi ko naman sinasabi, si Madam Inutz kasi never nagtanim ng sama ng loob sa mga ex ko, kaya ang sinasabi ko sa kanila, 'Look at me now!"

Charot, hindi. "Friends kami, especially 'yung tatay ng daughter ko, friends kami,"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Christian Bables, sinang-ayunan ng marami sa kanyang post na "never stan a bully"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel