Christian Bables, sinang-ayunan ng marami sa kanyang post na "never stan a bully"

Christian Bables, sinang-ayunan ng marami sa kanyang post na "never stan a bully"

- Naging-usap-usapan din kamakailan ang post ni Christian Bables na may kaugnayan sa 'bully'

- Sa naturang post, hindi umano dapat suportahan o tangkilin ang mga ganoong uri ng tao

- Nagbigay paalala rin siya sa publiko ukol sa mga 'quality contents' na mapapanood nang hindi namamahiya umano ng tao

- Kilala si Christian Bables sa kanyang kahanga-hangang mga pagganap lalo na sa mga karakter kung saan miyembro siya ng LGBT community

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena ang tweet kamakailan ni Christian Bables tungkol umano sa 'bully.'

Christian Bables, sinang-ayunan ng marami sa kanyang post na "Never stan a bully"
Christian Bables (@christiaaan06)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Christian patungkol sa nasabing uri ng tao na hindi umano dapat na tinatangkilik.

"Never stan a bully. Choose contents that will inspire you to reach for your dreams, to be a better person, at higit sa lahat ang magpaka TAO," ang bungad niya sa kanyang post.

Read also

Madam Inutz, nagpaparamdam umano ang mga 'boys' buhat nang siya'y mag-viral

Dagdag pa niya maari namang magbigay kasiyahan ang mga video o palabas nang hindi namamahiya ng tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Maraming QUALITY contents na mas deserve mo. Do not settle for less," dagdag pa niya.

Sinang-ayunan naman ito ng maraming netizens na na ang ang ilan ay nagawa pang pasalamatan ni Christian.

"Agree. tapos mapapanood ng mga bata. Nakakalungkot lang. 'wag tularan"
"You deserve more followers as compared sa mga vloggers na wala naman matutunan sa mga content nila!!!"
"I strongly agree. Salute to all artists who inspire people like you"
"At dapat naman talagang suportahan ang mga content creators na mararamdaman mong mabuti ang kalooban"
"Minsan kasi okay sila sa umpisa hanggang sa sumingaw na ang tunay nilang ugali. Doble ingat na lang talaga."

Samantala, tila napapanahon din umano ang post na ito lalo na at naging mainit na kontrobersya kamakailan ang umano'y pamamahid ng icing ng cake ni Alex Gonzaga sa waiter na nagdadala nito.

Read also

Pinoy sa Dubai, wagi sa lotto ng may katumbas Php223 million

Kabi-kabilang pambabatikos ang naibato kay Alex na nag-sorry na umano sa waiter na nakilalang si Allan Crisostomo.

Gayunpaman, tila nag-iwan ito ng marka sa imahe ng TV host/ actress subalit marami pa rin umano ang nagpakita ng pang-unawa sa kanya lalo na at nangyari raw ito sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Si Christian Mercurio Bables ay isang Filipino actor. Hinirang siya bilang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa karakter niyang "Intoy" sa pelikulang Signal Rock. Nagwagi rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian para sa kanyang trans woman role na si "Barbs" sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: