Pinoy dad ni Miss Universe 2022, kumbinsidong anak niya ang mananalo
- Ilang oras bago makoronahan bilang Miss Universe 2022 si R'Bonney Gabriel, sinabi ng kanyang ama na siya ang magwawagi
- Kumbinsido ang ama na ang kanyang anak na kinatawan ng USA ang siyang papasahan ng korona bilang bagong Miss Universe
- Kaya naman nang magwagi, nahagip ng camera kung gaano kasaya ang ama para kay R'Bonney
- Si R'Bonney ang kauna-unahang Filipino-American na nagwagi bilang Miss USA at Miss Universe
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
All smiles pa na sinabi ni Remigio 'RBon' Gabriel na ang kanyang anak na si R'Bonney Gabriel ang tatanghalin bilang Miss Universe 2022.
Nalaman ng KAMI na todo ang suporta ni RBon sa anak kaya naman present sila ng kanyang misis sa coronation night na ginanap sa New Orleans Ernest N. Morial Convention Center, January 14 ng gabi, US time.
Sa panayam sa kanya ni Sparkle Asst. Manager for Sales and Marketing na si Renze Banawa, makikitang mataas ang kumpiyansa ni RBon sa kanyang anak.
"She's gonna win it, she's gonna be Miss Universe tonight," na nagkatotoo nga.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si R'Bonney ang kauna-unahang Filipina-American na nagwagi bilang Miss USA at Miss Universe.
Samantala, naibahagi rin ng Celebrity Story ang naging reaksyon umano ng ama ni RBonney matapos itong magwagi sa coronation night ng Miss Universe 2022.
Hindi man pinalad ang mismong pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa semi-finals pa lamang ng Miss Universe, proud pa rin ang mga Pilipino gayung Fil-American ang ika-71 na Miss Universe.
Katunayan, minsan nang naikwento ni R’Bonney ang tungkol sa kanyang Pinoy dad na si Remigio Bonzon “R’Bon” Gabriel na isa umanong Pilipino.
Nabanggit niya ito sa isa sa mga naging interview sa kanya noong Hulyo 2022 ayon sa Interaksyon.
"I'm a Filipina-Texan. My dad is from the Philippines. He came on a college scholarship with $20 in his pocket and my mom is from Belmont, they’re a match made in heaven. Growing up with 2 different cultures has made me what I made, because the family dynamic is so different, on my mom and dad’s side, and that has made me a very open-minded person,” pahayag ng bagong Miss Universe.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh