Darryl Yap sa kasagsagan ng Miss Universe: "Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna"

Darryl Yap sa kasagsagan ng Miss Universe: "Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna"

- Tahasang nasabi ng direktor na si Darryl Yap na tila nakamalas umano ang 'Darna' sa kasagsagan ng Miss Universe 2022

- Madali namang napansin ng netizens na ang tila pinatutungkulan nito ay ang suot na national costume ni Celeste Cortesi

- Nai-suggest pa ni Direk Darryl na sa susunod na Miss Universe, Jollibee naman ang tema ng national costume

- Samantala, 'di man nagwagi si Celeste, ang Filipina-American na si R'Bonney Gabriel ang nakasungkit ng korona sa Miss Universe 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na napansin ng netizens na tila may sagot si Direk Darryl kung bakit tila hindi pinalad ngayon na makasampa manlang sa Top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Darryl Yap sa di pagkasama ni Celeste sa Top 16; "Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna"
Darryl Yap
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa post ng direktor sa kasagsagan ng coronation night ng MIss Universe 2022.

Read also

Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

Darna-inspired ang national costume ni Celeste na ipinagpaalam pa ng Miss Universe Philippines team sa pamilya Ravelo.

"Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna. Puerto Rico, Curacao at Sige na nga Laos tutal 48hrs daw ang biyahe," ang post ng direktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinundan pa niya ito ng isang makulit na suhestyon na sana'y Jollibee naman ang susunod na inspirasyon ng national costume ng Pilipinas sa Miss Universe.

Hindi pinalad na makapasok sa top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi dahilan para maaga itong mawala sa eksena ng Miss Universe 2022.

Sa hindi niya pagkakapasok sa semi-finals ay pagtatapos din ng 12-year streak ng bansa na nakakapasok sa semi-finals, final 3 at maging ang pagsungkit ng korona sa nasabing prestihiyosong pageant.

Gayunpaman, maraming Pinoy pa rin ang nagpasalamat at nagpakita ng suporta kay Celeste sa ipinamalas niyang katatagan at determinasyon bilang kinatawan ng bansa.

Read also

'Di pagpasok ni Celeste Cortesi sa Top 16, pagtatapos din ng Miss Universe streak sa bansa

Tila wagi pa rin umano ang Pilipinas dahil ang hinirang na Miss Universe 2022 na si R'Bonney Gabriel ay isa umanong Filipino-American. Ang kanyang ama ay isang Pinoy.

Si R'Bonney ang kauna-unahang Fil-American na nagwagi bilang Miss USA at ngayo'y Miss Universe 2022.

Sa isa sa kanyang mga naging sagot sa ilang question and answer sa kanya naikwento ni R'Bonney na muntik na umano siyang tumigil at sumuko sa pagsali sa mga pageant subalit talagang determinado siya para manalo. Hindi naman siya nabigo na sa edad na 28, hinirang siyang Miss Universe 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica