Gladys Guevarra, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bago niyang pag-ibig

Gladys Guevarra, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bago niyang pag-ibig

- Nagpost si Gladys Guevarra ng mensahe tungkol sa bagong pag-ibig niya at pasasalamat sa Panginoon

- Sa kanyang Facebook post ay nakadamit pangkasal siya ngunit wala na itong ibang pictures na binahagi

- Sa naturang post ay pinagpasalamat ni Gladys na may tao itong inilaan para sa kanya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan

- Hindi din nito pinangalanan ang taong tinutukoy niya pero tinawag niya ito bilang AD

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Gladys Guevarra ng mensahe tungkol sa kanyang pasasalamat sa Panginoon dahil sa inilaan nitong tamang tao para sa kanya. Sa kanyang Facebook post ay nakadamit pangkasal siya ngunit wala na itong ibang pictures na binahagi.

Gladys Guevarra, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bago niyang pag-ibig
Gladys Guevarra, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bago niyang pag-ibig (@www.facebook.com/igladysguevarra)
Source: Facebook

Aniya, nagpapasalamat siyang pinaramdam sa kanya ng Panginoon na hindi totoong walang taong magmamahal sa kanya.

I thank God dahil hindi hatred ang namalagi sa puso ko. I am blessed by God din to cont;nue to love again. And ipinaramdam din sa akin ni Papa God na hindi totoong wala ng magmamahal sa akin. Maraming Salamat sa Panginoon Diyos Ama na syang nagbiyaya sa akin ng lahat ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pakiramdam kong endless battles. May katapusan pala lahat ng pain at heartaches.

Read also

Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"

Sa naturang post ay pinagpasalamat ni Gladys na may tao itong inilaan para sa kanya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan na kanyang tinawag na AD.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question.

Si Gladys Guevarra ay isa sa mga kilalang komedyante at voice impersonator sa bansa. Siya ay naging lead vocalist ng bandang Gladys and the Boxers with K. Kabilang sa kanilang pinasikat na awitin ay ang Sasakyan Kita. Nakilala din siya sa kanyang paggaya ng boses nina Annabelle Rama at ng yumaong komedyanteng si Mahal.

Matatandaang Mayo ng taong 2021 nang ikasal sina Gladys at ang non-showbiz niyang karelasyon na si Mike Navarrete. Mismong si Gladys ang nagbahagi nito sa kanyang social media page. Marami naman sa kasamahan niya sa industriya ang naghayag ng kanilang kasiyahan para kay Gladys. Kabilang sina Marian Rivera, Ruby Rodriguez at Jaya sa mga bumati sa kanya.

Read also

Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya

Isinapubliko din niya ang video ng behind-the-scenes na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib. Makikita sa naturang video ang nakakakilig na mga pictures at videos nilang mag-asawa. Kabilang sa pinakita sa naturang video ay ang ginawang wedding proposal ni Mike. Pinakita din ang mga kaganapan sa kanilang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate