Vilma Santos, maayos na ang lagay matapos madapa habang ginagawa ang vlog

Vilma Santos, maayos na ang lagay matapos madapa habang ginagawa ang vlog

- Naibahagi ni Vilma Santos ang kanyang pagsemplang habang gumagawa ng intro para sa kanyang vlog

- Sa unang bahagi ng kanyang Family celebration ng bagong taon, makikita siyang naglalakad habang nagsasalita sa harap ng camera

- Nawalan siya ng balanse at natumba ngunit hindi nagpaawat ang Star for All Season at tuloy ang masayang New Year celebration kasama ang kanyang pamilya

- Nagdiwang sila ng New Year sa Punta Fuego sa Batangas kagaya ng kanilang ginawa noong nakaraang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumemplang si Vilma Santos habang gumagawa ng kanyang intro para sa kanyang vlog sa kanilang New Year celebration kasama ang kanyang pamilya. Gayunpaman, hindi nagpatinag si Ate Vi at tuloy ang kanilang masayang selebrasyon.

Vilma Santos, maayos na ang lagay matapos madapa habang ginagawa ang vlog
Vilma Santos, maayos na ang lagay matapos madapa habang ginagawa ang vlog (@Vilma Santos - Recto/YouTube)
Source: Instagram

Kagaya ng kanilang nakaraan na New Year celebration, nagdiwang silang pamilya sa Punta Fuego sa Batangas. Gayunpaman, mas marami na umano sila ngayon dahil pinapayagan na ang gathering. Nilinaw naman niyang sumusunod pa rin sila sa safety protocol.

Read also

Francine Diaz, binahagi ang bakasyon sa South Korea kasama ang buong pamilya

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya ay nanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang vlog, nakasama ni Vilma ang kanyang dalawang anak. Itinuturing daw niya na kanyang dalawang pinakamahahalagang trophy ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto. Sumalang sa "Jojowain o totropahin” challenge ang dalawa. Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakaiba sa pag-uugali sa dalawang anak ni Ate Vi. Kung si Luis ay palabiro at maloko, si Ryan naman umano ay mukhang mahiyain at reserved.

Hindi naman maipagkaila ni Ate Vi na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate