Paolo Contis, nag-post ng kanyang pagbati sa kaarawan ng anak na si Summer

Paolo Contis, nag-post ng kanyang pagbati sa kaarawan ng anak na si Summer

- Nag-post si Paolo Contis ng picture nila ng anak niyang si Summer para sa kanyang pagbati sa kaarawan nito

- Maiksi lamang ang kanyang pagbati ngunit inihayag nito ang kanyang pangungulila sa anak

- Kasalukuyang nasa Amerika sina Summer kasama ang kanyang ina na si LJ Reyes at ang panganay na anak ni LJ na si Aki

-Matatandaang napagpasyahan ni LJ na manatili muna sa Amerika matapos ang paglabas ng balita kaugnay sa hiwalayan nila ni Paolo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Paolo Contis ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer sa kaarawan nito. Maiksi lamang ang kanyang pagbati ngunit inihayag nito ang kanyang pangungulila sa anak.

Paolo Contis, nag-post ng kanyang pagbati sa kaarawan na anak na si Summer
Paolo Contis, nag-post ng kanyang pagbati sa kaarawan na anak na si Summer (@paolo_contis)
Source: Instagram

Ani Paolo, araw-araw niyang namimiss ang anak na nagdiriwang ng ika-4 na taong kaarawan nito. Kasalukuyang nasa Amerika sina Summer kasama ang kanyang ina na si LJ Reyes at ang panganay na anak ni LJ na si Aki.

Read also

McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo

Kadalasan ay nagbabahagi si LJ sa social media kaugnay sa kanilang life update na mag-iina habang nasa ibang bansa. Matatandaang napagpasyahan ni LJ na manatili muna sa Amerika matapos ang paglabas ng balita kaugnay sa hiwalayan nila ni Paolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Binati ni Paolo si Yen Santos sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-30 taon ngayong araw, November 20, 2022. Kalakip ng kanyang pagbati kay Yen na kanyang tinawag na "My Best Actress" ay ang mga pictures nilang dalawa. Ito ang unang pagkakataon na nag-post ang aktor ng picture nila ni Yen na magkasama matapos masangkot sa kontrobersiya. Matatandaang nagkatrabaho sina Yen at Paolo sa pelikulang A Faraway Land kung saan ginawaran nga kamakailan si Yen ng Best Actress sa ginanap na 45th Gawad Urian.

Si Yen ang tinanghal na best actress sa ginanap na 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang leading man sa pelikulang A Faraway Land na si Paolo. Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo. Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel