Toni Fowler, natulala sa sampal ni Sunshine Dizon matapos siyang i-reverse prank nito

Toni Fowler, natulala sa sampal ni Sunshine Dizon matapos siyang i-reverse prank nito

- Natulala si Toni Fowler matapos siyang sampalin si Sunshine Dizon matapos niya itong i-prank

- Lingid sa kaalaman ni Toni, kinausap ng kanyang Ate Marie si Sunshine na i-reverse prank nila si Toni

- Dagdag pa ni Ate Marie, pangarap daw kasi ni Toni na masampal siya ni Sunshine na isa sa mga kilalang mahusay pagdating sa larangan ng pag-arte

- Ani Toni, nagulat siya nang sampalin siya ni Sunshine at hindi na nakaimik pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigla si Toni Fowler nang sampalin siya ni Sunshine Dizon habang sinusubukan niya itong i-prank.Lingid sa kaalaman ni Toni, kinausap ng kanyang Ate Marie si Sunshine na i-reverse prank nila si Toni.

Toni Fowler, natulala sa sampal ni Sunshine Dizon matapos siyang i-reverse prank nito
Toni Fowler, natulala sa sampal ni Sunshine Dizon matapos siyang i-reverse prank nito (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Tila nag-alangan pa si Sunshine nang una siyang kausapin ni Marie tungkol sa balak niyang reverse prank. Gayunpaman, sinabi nito na nasabi umano dati ni Toni na pangarap niyang masampal ni Sunshine kaya napapayag ang aktres.

Read also

Ogie Diaz, dinipensahan ang umano'y nag-viral na batian nina Vice Ganda at Toni G

Naibahagi din nila na kasama na nila si Sunshine dahil isa na ito sa manager ng ToRo family.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel