Scarlet Snow Belo, hiling ng mas maraming oras mula sa kanyang daddy
- Ayon kay Scarlet Snow Belo, hiling niya na magkaroon ng mas maraming oras ang kanyang daddy kasama siya
- Aniya, palagi daw itong abala sa trabaho kaya sana daw ay makasama niya ito ng mas matagal
- Nang tanungin kung paano daw maging mas mabuting daddy si Hayden, sinabi niyang maggugol daw ito ng mas maraming oras sa kanila
- Dagdag pa ni Scarlet, sana ay huwag itong magalit nang mabilis
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Gusto daw ni Scarlet Snow Belo ng mas maraming oras mula sa kanyang daddy na si Hayden Kho dahil aniya ay palagi daw itong abala sa kanyang trabaho. Sana daw ay wag din ito mabilis magalit.
Sa kanilang bagong vlog, natanong ng mag-asawang Vicki at Hayden ang anak nilang si Scarlet.
Ayon kay Scarlet, mas gusto niyang makilala bilang 'kind' para matuwa ang tao sa kanya. Nang tanungin siya kung ano ang mas kailangan niya sa buhay niya.
Time with dad.. because you're always working.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ito ay dahil lagi daw nagtatrabaho ang kanyang daddy. Gusto daw niyang maglaro kasama ang kanyang daddy.
Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa ng publiko kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.
Sa inihandang sorpresa ni Hayden Kho para sa asawang si Vicki Belo, isang mensahe ang kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang sulat. Hindi naman napigilan ni Dra. Belo na maluha sa inihandang mensahe ng kanyang mister. Ibinahagi ni Hayden ang kanyang pagpapahalaga sa misis at kung gaano ito kahalaga sa kanyang buhay. Marami ang kinilig sa sopresang ito ni Hayden sa kanyang asawa.
Ayon kay Dra.Belo, matagal niya nang gustong bumili ng sasakyan mula sa isang luxury brand. Gayunpaman, dahil may kamahalan ito, lagi umanong nagbabago ang kanyang isip at hindi natutuloy ang kanyang balak na bilhin ang kanyang dream car. Ayon naman kay Hayden Kho, mula sa anak nilang si Scarlet Snow ang ideya tungkol sa regalong ito. Dagdag pa niya, ito naman umano ang panahon na matupad naman ang wish ni Dra. Belo dahil ito na lang umano ang laging tumutupad sa mga wish ng mga taong malapit sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh