Doc Willie Ong, ipinaliwanag sinasabing sanhi ng pagkamatay ni Jovit
- Ipinaliwanag ni Doc Willie Ong ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm
- Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito
- Nagbigay din ng tips si Doc Willie Ong kung paano ito posibleng maagapan bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari tulad ng sinapit ni Jovit
- Nito lamang Disyembre 10, gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ni Jovit Baldovino na nagawa pang magtanghal sa kahuli-hulihang pagkakataon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Matapos makumpirma na an*urysm ang ikinamatay ng 29-anyos na Pilipinas Got Talent winner na si Jovit Baldivino, naglabas ng isang maiksing video si Doc Willie Ong tungkol sa karamdamang ito.
Nalaman ng KAMI na bagama't bata sa inaasahang edad na tinatamaan nito si Jovit, may ibang posibleng dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa sitwasyong ito.
"Marami po ang nagtatanong at natatakot bakit sa batang edad, may brain an*urysm,"
"Sino ang mga prone magkaroon ng an*urysm? Normally sa may mas edad ito e. Dapat above 40. Minsan kahit na mas bata, pwede ring magka-an*urysm kasi namamana 'to," paliwanag ni Doc Willie.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, maaring magsimula lamang ito sa sakit ng ulo na madalas maramdaman nino man.
"Paano natin malalaman na headache na an*urysm ito. Kailangan may lahi kayo. highblood na highblood. O feeling niyo kakaiba yung headache, sobrang sakit."
Kung hindi kaya ng simpleng paghilot sa ulo, payo ni Doc Willie na agad nang kumunsulta sa doktor upang maagapan ang posibleng sanhi nito.
Matatandaang sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Jovit, sinabing pinayuhan na pala umano si Jovit ng doktor na magpahinga at sana'y iwasan muna ang pagkanta dahil sa hypertension.
Subalit hindi makatanggi si Jovit sa isang event kung saan nagpaunlak pa siya ng tatlong kanta.
Sa naturang pagtitipon, nakita umano siyang nakaupo, nakangiwi na ang mukha habang tumutulo na ang laway dahilan para siya'y dalhin sa ospital. Ilang araw pa itong nanatili sa ICU bago bawian ng buhay.
Si Doc Willie Ong ay isang kilalang doktor at cardiologist. Siya ay tumakbo sa Senado noong nakaraang Halalan 2019. Subalit, hindi siya pinalad.
Sa Eleksyon 2022, muli siyang sumubok na sumabak sa pulitika kung saan siya ang naging running mate ng presidential candidate na si Isko Moreno. Si Doc Willie ay muling tumakbo sa posisyon naman bilang bise pesidente kung saan ilan sa kanyang mga nakatunggali ay sina Senator Kiko Pangilinan at ang nahalal na ikalawang Pangulo na si VP Sara Duterte.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng medikal na atensyon at gaya ng kanyang nasabi, hindi siya umano nagpapabayad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh