Misis ni Andrew Schimmer, bumuti na ang lagay; "may tensyon lang ng konti pero all good"

Misis ni Andrew Schimmer, bumuti na ang lagay; "may tensyon lang ng konti pero all good"

- Nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis na si Jho Rovero

- Aniya, nagkaroon ng konting tensyon sa ICU dahil sa pagbagsak ng BP nito tuwing nagda-dialysis

- Sa mas bago niyang update, nabanggit nitong bumuti na ang lagay ng misis niya

- Malaki ang pasasalamat niya sa mga attending nurses nito na talagang tinututukan ang lagay ni Jho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis na si Jorhomy Rovero.

Misis ni Andrew Schimmer, bumuti na ang lagay; "may tensyon lang ng konti pero all good"
Si Jho Rovero at si Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagama't nagkaroon ng konting tensyon sa pagda-dialysis ni Jho, napagtagumpayan niyang muli ito.

"Dialysis day again, this is the Latest update on Her status. Medyo bumagsak ulit ang kanyang BP, which is lagi itong nangyayare pag nag da dialysis sha… kaya mejo may tension lang ng konte sa kanyang ICU room. I’m so sorry Hindi ko kayo ma update everyday, although maganda naman ang kanyang vitals this past few days, ngayon lang mejo nag ka-problem ulit, but all good, GOD is in control."

Read also

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

Sa mas bagong update ni Andrew, nasabi niyang nalampasan muli ng kanyang misis ang matinding pagsubok na ito. Labis ang pasasalamat niya sa attending nurses nito sa ospital na talagang nakatutok sa lagay ni Jho.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Thank you Lord! She’s stable again. Another victory, all glory to HiM up there salute sa mga attending nurses natin good job.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Read also

Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica