Ogie Diaz sa pagkakaroon ng pamilya: "hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin"

Ogie Diaz sa pagkakaroon ng pamilya: "hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y pumupuna sa kanyang pagkakaroon ng mga anak

- Inaakala raw kasi ng marami na kaya niya naisipang magkaanak ay para lang may mag-alaga sa kanyang pagtanda

- Binigyang linaw niya ito at sinabing ginusto niya talaga ang pagkakaroon ng sariling pamilya

- Si Ogie Diaz at kanyang misis na si Georgette Del Rosario o mas kilala bilang si Mommy Sowl ay nabiyayaan ng limang mga anak na babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Ogie Diaz ang mga nagbibigay komento tungkol sa kanyang pagkakaroon ng pamilya.

Ogie Diaz sa pagkakaroon ngpamilya; "hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin"
Ogie Diaz at ang kanyang pamilya (@ogiediaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami umanong nag-aakala na ang tanging motibo ni Ogie sa pagkakaroong ng pamilya ay ang may mag-alaga sa kanya sa kanyang pagtanda.

Sa kanyang post, idinetalye ni Ogie ang kanyang paliwanag na taliwas sa inaakala ng marami.

Read also

Cristy Fermin, naalarma sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino; "Karma o kulam"

"Tama yan, Ogie. Mag-anak ka. Para pagtanda mo, may mag-akay sa ‘yo. Sila naman ang babawi pag uugod-ugod ka na!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Juice ko, yan ang madalas kong marinig. Di naman ako naiirita, nginingitian ko na lang kasi opinyon nila yon. Eh, sa yan ang konsepto nila ng pagkakaroon ng anak, eh. Ang old school, di ba?

Pero maayos ko namang ipinaliliwanag sa kanila na hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin. Mas masarap pa ring sabihing, “Nag-anak ako kasi, gusto ko. Kasi, masaya ang may pamilya. Masarap na may matawag akong pag-aari ko kasi anak ko sila. At mas masarap isipin na ang goal ko ay ako pa rin ang aakay sa kanila kahit otsenta na ako,” ani Ogie.

Nais niyang i-enjoy ng kanyang mga anak ang kani-kanilang mga buhay at hindi rin muna pasukin ang buhay may-asawa at anak habang maaga pa.

Read also

Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina

Katunayan, may nakalaan pa umano siyang premyo sa kanyang anak na makakapag-asawa lamang kung ito ay lampas na sa 25 taong gulang.

"Kaya nga ako nagse-save, dahil ayokong umasa sa mga anak. Na mas gugustuhin kong sila ang manghingi sa akin kesa ako ang manghingi sa kanila.

Bonus na lang talaga yung sobra ka nilang mahal, masaya pa sila sa piling ng magulang nila, na gusto nilang bumawi sa amin ng mama nila, kaya ayaw pa nilang mag-asawa" paliwanag ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel