Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

- Naibahagi ni Herlene Nicole Budol sa kanyang Facebook post ang picture niya noong hindi pa siya sikat at sumali siya sa pageant

- Binahagi niya rin ang picture nila ng manager niyang si Wilbert Tolentino na kuha nitong sumali siya sa Binibining Pilipinas

- Biro niya pa, hindi daw talaga siya pangit noon, wala lang daw siyang pera

- Aniya, cycling at kulambo lang ang gamit niya para sa long gown competition noong 2015

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Herlene Nicole Budol ang isang picture niya na kuha nang sumali siya sa pageant noong taong 2015. Biro niya pa, hindi daw talaga siya pangit noon, wala lang daw siyang pera.

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture niya noong sumali siya sa pageant
Herlene Budol, nagpost ng throwback picture niya noong sumali siya sa pageant (@herlene_budol)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, cycling at kulambo lang ang gamit niya para sa long gown competition noong 2015. Kalakip niyon ay ang picture niya kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino na kuha nitong sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan hgumakot siya ng mga awards.

Read also

Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako"

Cycling and kulambo for my long gown 2015 vs now . Sabi kona di talaga ko panget e wala Lang akong pera dati haha makakahanap ka din ng tamang Tao❤️ Wilbert Tolentin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel