Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina
- Ibinahagi ni Erik Santos ang kuha ng Nice Print Photo sa pag-aalay niya ng huling awitin para sa namayapang ina
- Aminadong hirap sa pagkanta dala ng matinding emosyon, sinikap niyang tapusin ito dahil alam niyang gusto ito ng kanyang nanay
- Matatandaang bumuhos din ang emosyon nang ibahagi ni Erik ang mga huling sandali ng ina bago ito tuluyang mamaalam sa mundo
- Nobyembre 25, malungkot na isinapubliko ni Erik ang pagpanaw ng kanyang ina na nakipaglaban sa lung cancer
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umantig sa puso ng marami ang video ni Erik Santos na nag-alay ng huling awitin para sa kanyang inang si Angelita Ramos Santos.
Nalaman ng KAMI na aminado man si Erik na hirap siyang kumanta sa puntong iyon, subalit nagawa niya pa rin bilang alam niya na ito'y kagustuhan ng kanyang ina.
"Alam kong di’ ko kakayaning kumanta sa mga oras na ‘yon, pero pinilit ko, dahil alam kong iyon na ang huling pagkakataon na kantahan ka sa harap mo... Mahal na mahal na mahal kita, Nanay ko."
Kinanta ni Erik ang awiting 'Ikaw' na sinikap niyang tapusin habang pinipigilang bumuhos ang kanyang luha.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nang matapos ang kanta, doon na niya hindi napigilang mapahagulhol lalo na at kalapit lang niya ang labi ng kanyang ina.
Mapapanood ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanya mismong Instagram:
Nobyembre 25 nang malungkot na inanunsyo ni Erik ang pagpanaw ng ina na si Angelita Santos na nakipaglaban sa lung cancer.
Naidetalye pa ni Erik ang mga kaganapan sa mistulang pamamaalam na niya sa ina sa huling mga sandali nito. Ipinarinig din ni Erik ang mga paboritong kanta ng kanyang ina at paulit-ulit din niyang ipinakinig sa kanyang Nanay Angelita ang 'Amazing Grace.'
Pinuno nila umano ang huling oras at sandali nito ng dasal hanggang sa tuluyan na itong malagutan ng hininga.
Si Erik Santos ay maituturing na isa sa mga batikang singer ng makabagong henerasyon sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang Grand Champion ng 'Star in a Million Season 1' noong taong 2003. Mula noon, hindi na matatawaran ang dagsa ng kanyang mga shows, sa telebisyon man o sa abroad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh