Kim Chiu, kinilig nang makapunta sa sikat na sikat na Hell's Kitchen

Kim Chiu, kinilig nang makapunta sa sikat na sikat na Hell's Kitchen

- Binahagi ni Kim Chiu sa kanyang vlog ang kanyang pagpunta sa sikat na sikat na Hell's Kitchen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Hindi nito maitago ang kanyang kilig nang makapasok siya sa restaurant na tampok sa show ng sikat na chef na si Gordon Ramsay

- Aniya, kinikilig talaga siya dahil napanuod niya ang lahat ng episode ng naturang show

- Sinabi niya din na OA sa sarap ang pagkain na kanyang natikman doon kasama ang ilang miyembro ng G-Force

Ayon kay Kim Chiu, kilig na kilig siya nang makapasok siya sa Hell's Kitchen ng sikat na chef na si Gordon Ramsay. Dahil sa kanyang pagiging fan ay napanood niya na umano ang lahat ng episode ng naturang palabas.

Kim Chiu, kinilig nang makapunta sa sikat na sikat na Hell's Kitchen
Kim Chiu, kinilig nang makapunta sa sikat na sikat na Hell's Kitchen (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Alex Gonzaga, na-trauma umano dahil sa paninigaw ng isang artista sa kanya

Nakasama niya ang ilang miyembro ng G-Force. Hindi naman maitago ni Kim ang kasiyahan nang matikman ang mga pagkain na aniya ay napapanood niya lang. Dagdag pa niya OA sa sarap umano ang pagkain nila doon.

Sobrang happy ng feeling kasi pinapanuod ko talaga ‘tong show na’to. Kaya pagdating ko talaga, grabe!!! Faney na faney, kilig na kilig! At syempre, ang fine dining experience with G-Force, para kaming nagmini-mukbang at food review.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Sa muling pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, nagbigay ng mensahe ang kanyang mga kasamahan. Kabilang si Kim sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng kanyang ate Anne. Aniya, masaya siya na sa wakas ay personal niya nang masasabi ang kanyang mga tsika na sa social media niya lang nasasabi. Masaya din si Anne lalo at may paghuhugatan siya ng energy sa katauhan ni Kim na talaga namang palaging punong-puno ng energy.

Read also

Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa vlogs; "'Di lang talaga siya para sa akin"

Sinabi ni Kim sa kanyang vlog na kahit may hindi magandang karanasan niya sa kanyang van ay hindi niya ito binenta. Aniya, kahit hindi maganda ang kanyang naging karanasan sa naturang van, maituturing niyang sinalba pa rin nito ang buhay niya. Matatandaang taong 2020 nang lumabas ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van. Ang pangyayaring iyon ay dahil umano sa mistaken identity at nalaman iyon nang humingi ng dispensa ang target sa pamamagitan ng pakikipag-usap umano nito sa isa sa mga boss ni Kim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel