RR Enriquez sa viral na post ni Herlene Budol: "I don't see anything bad"
- Para kay RR Enriquez, walang masama sa post ni Herlene Budol kamakailan na nakahiga siya sa puntod ng kanyang lola
- Aniya, hindi siya naniniwalang pakitang-tao lang ang post na ito ni Herlene kundi gusto lang nitong ibahagi ang tunay niyang nararamdaman
- Dagdag pa niya, hindi naman alam ng mga tao ang pinagdadaanan ni Herlene at kanya-kanya ng trip ang tao sa buhay
- Matatandaang kamakailan, matapos ang hindi natuloy na pagsabak niya sa international pageant ay nag-post siya ng kanyang picture kung saan sinabi niyang nasumbong niya na sa kanyang nanay ang lahat ng sama ng loob
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay RR Enriquez, hindi siya naniniwalang pakitang-tao lang ang pinost ni Herlene Budol kamakailan kung saan nasa puntod siya ng kanyang lola. Bilang public figure si Herlene ay natural lang na ibahagi ni Herlene ang mga pangyayari sa buhay niya.
Aniya, kanya-kanya ang mga tao sa pagdadala ng mga problema at pinagdadaanan sa buhay kaya hindi na dapat mag-"hate" ang mga tao. Matatandaang kamakailan, matapos ang hindi natuloy na pagsabak niya sa international pageant ay nag-post siya ng kanyang picture kung saan sinabi niyang nasumbong niya na sa kanyang nanay ang lahat ng sama ng loob.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh