Alex Gonzaga, na-trauma umano dahil sa paninigaw ng isang artista sa kanya

Alex Gonzaga, na-trauma umano dahil sa paninigaw ng isang artista sa kanya

- Nabanggit ni Alex Gonzaga sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya

- Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality

- Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama

- Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Alex Gonzaga ang tungkol sa kanyang karanasan nang pagsisigawan umano siya ng isang artista na nakakatanda sa kanya. Nang ikwento umano ng naturang artista ang pangyayari ay si Alex pa ang nagmukhang masama.

Alex Gonzaga, na-trauma umano dahil sa paninigaw ng isang artista sa kanya
Alex Gonzaga, na-trauma umano dahil sa paninigaw ng isang artista sa kanya (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa kanyang podcast, nabanggit ni Alex ang tungkol sa kanyang personalidad na laging napapalabas na masama. Aniya, hindi alam ng artistang kanyang tinutukoy na galing pala siya sa trabaho. Inakala nito na late lang siya sa pagpasok.

Dagdag pa ni Alex, dahil sa kwento ng naturang artista ay marami ang naniwala. Gayunpaman, aniya ay wala na siyang dapat gawin kundi manahimik na lang kasi aniya ay alam naman niya ang katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel