Xian Gaza, pinayuhan umano si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa isyu nya

Xian Gaza, pinayuhan umano si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa isyu nya

- Sinabihan daw ni Xian Gaza si Zeinab Harake na huwag nang sumali sa isyung kinasasangkutan niya

- Siya daw kasi ang tipo ng tao na kapag may kalaban eh hindi naghahanap ng kakampi

- Maging pagdating umano sa mga personalidad na nag-aalok sa kanya na i-promote ang business niya ay tinatanggihan niya dahil aniya ay ayaw niyang madamay ang mga ito sa kanyang "bad public image"

- Dagdag pa niya iba yung Xian sa social media sa Xian sa totoong buhay at ang Xian noon sa Xian sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Xian Gaza, pinayuhan niya si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa issue na kinasasangkutan niya. Aniya, siya yung tipo ng tao na hindi naghahanap ng kakampi kapag may kalaban.

Xian Gaza, pinayuhan umano si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa isyu nya
Xian Gaza, pinayuhan umano si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa isyu nya (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Sa isang mahabang Facebook post, sinabi ni Xian na maging pagdating sa mga alok ng mga personalidad na i-promote ang business niya ay tinatanggihan niya. Ito ay sa kadahilanang ayaw umano niyang madamay ang mga ito sa aniya'y "bad public image" niya.

Read also

Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"

Hindi umano siya manggagamit at maayos siyang makisama kaya marami siyang tropang sikat. Aniya, iba yung Xian sa social media sa Xian sa totoong buhay at ang Xian noon sa Xian sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang post ni Xian tungkol sa umano'y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club ba kanyang binanggit. Ayon kay Xian, sa bawat story ng mga babaeng ito ay may sugar daddy na hindi kasama sa video. Ani Donnalyn, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw niya rin na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa mga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Xian.

Kamakailan ay sinagot ni Xian ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy." Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito. Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate