Alex Gonzaga at Empoy Marquez, kinaaliwan sa kanilang kulitan

Alex Gonzaga at Empoy Marquez, kinaaliwan sa kanilang kulitan

- Kinaaliwan sina Alex Gonzaga at Empoy Marquez sa bagong vlog ni Empoy

- Ito umano ay naganap matapos ang bodyguard prank ni Alex kay Empoy na naibahagi nito sa kanyang YouTube channel

- Dinala ni Alex si Empoy sa hair salon ni Ryan Bang na Moriduart kung saan nadatnan din nila si Ryan

- Personal na ginawa ni Alex ang pag-shampoo at pag-blower sa buhok ni Empoy bilang pambawi sa pagod nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mismong si Alex Gonzaga ang gumawa ng pag-shampoo at pagtuyo sa buhok ni Empoy Marquez. Sa bagong vlog ni Empoy ay dinala siya ni Alex sa hair salon ni Ryan Bang na Moriduart kung saan nadatnan din nila si Ryan.

Alex Gonzaga at Empoy Marquez, kinaaliwan sa kanilang kulitan
Alex Gonzaga at Empoy Marquez, kinaaliwan sa kanilang kulitan (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Kinaaliwan ng netizens ang kulitan nina Alex at Empoy habang si Ryan naman ay inaawat paminsan-minsan si Alex sa ginagawa nitong mga biro kay Empoy.

Read also

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nakapanuod sa vlog ni Empoy:

Napaka effortless ng pagiging funny mo Kuya Empoy walang kupas

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hala grabe ang inyong chemistry,swak na swak talaga.
Grabe ang solid ni empoy, lakas ng appeal ng funny guy talga promise.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel