Wilbert Tolentino, ibinahagi ang pangangalaga sa kanila ng Filipino community sa Uganda

Wilbert Tolentino, ibinahagi ang pangangalaga sa kanila ng Filipino community sa Uganda

- Ibinahagi ni Wilbert Tolentino kung paano sila tinanggap ng Filipino community sa Uganda

- Ito ay matapos na hindi matuloy ang Miss Planet International 2022 kung saan pambato sana ng Pilipinas si Herlene Nicole Budol

- Taliwas sa inaakala ng ilan, hindi nila pinabayaan si Herlene matapos ang naging aberya sa pageant

- Sinulit nalang nila ang punta sa Uganda kung saan nagtungo sila sa iba't ibang historical places doon at naki-party sa Pinoy community na todo-todo ang suporta kay Herlene

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Wilbert Tolentino, ipinakita nito ang mga kaganapan matapos na hindi matuloy ang Miss Planet International.

Wilbert Tolentino, ibinahagi ang pangangalaga sa kanila ng Filipino community sa Uganda
Si Herlene Budol, Wilbert Tolentino, Team Kafreshness at Filipino community sa Uganda (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na alagang-alaga ng Filipino community si Herlene na binigyan pa nila ng munting party.

Doon, naikwento pa nilang handa na sana ang kanilang mga ticket upang panoorin si Herlene sa nasabing pageant. Patunay na ganoon na lamang ang suporta ng mga Pinoy sa Uganda para sa pambato sana ng ating bansa na si Herlene.

Read also

Bea Alonzo, todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"

At dahil sa naging mga aberya ng pageant, sinulit na lamang ni Wilbert, Herlene at Team Ka-freshness ang pamamalagi nila sa Uganda.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Taliwas sa inakala ng iba, hindi nila pinabayaan si Herlene. Katunayan, kasama rin ng team Kafreshness ang nanay at tatay ni Herlene maging si Madam Inutz na lumipad patungong Uganda.

Dahil dito, naibsan ang kalungkutan ni Herlene sa kauna-unahan sana niyang international pagenat na sasalihan.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz. Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol.

Read also

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Todo-todo ang suporta ni Wilbert kay Herlene sa kauna-unahan sana nitong international pageant na sasalihan. Matatandaang sa paglapag pa lamang nila sa Uganda, nagkaaberya na agad sa National costume ni Herlene, ngunit agad na humanap pa noon ng paraan si Wilbert para kay Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica