Karen Davila sa interview sa kanya ni Korina Sanchez: "It is in God's perfect time"

Karen Davila sa interview sa kanya ni Korina Sanchez: "It is in God's perfect time"

- Natanong si Karen Davila kung ano talaga ang kanyang naramdaman sa interview sa kanya ni Korina Sanchaez

- Inamin nitong hindi sila noon magkaibigan ni Korina at matindi umano ang naging kompetisyon sa ABS-CBN

- Nilarawan niyang 'in God's perfect time' ang naturang interview na nangyari makalipas ang 22 taon na pagiging magkatrabaho nila sa ABS-CBN

- Nabanggit din ni Karen na inaayos din nila ang schedule para naman sa interview niya kay Korina Sanchez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Samu't sari ang naging reaksyon ng publiko sa interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila.

Karen Davila sa interview sa kanya ni Korina Sanchez: "It is in God's perfect time"
Karen Davila at Korina Sanchez (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na natanong ng YouTube channel na Very Wáng kung ano ang reaksyon ni Karen sa naturang interview gayung marami ang nakakaalam na matindi ang naging kompetisyon ng dalawa lalo na sa paglipat ni Karen mula GMA sa ABS-CBN.

Read also

Tony Labrusca, nilinaw ang ilang detalye ukol sa airport incident niya nung 2019

"In social media they would say, ang pa-plastik niyo, 'di ba ang fake niyo... But you know, I'd like to say from the bottom of my heart that interview with Korina was really in God's good and perfect time," ani Karen.

"Yes, Korina and I... Ayaw ko namang magpaka-plastik, we were not friends. We didn't have the opportunity in ABS_CBN to sit together, to talk with each other. And for whategver reason it was, we were both busy, the competition is too much. ABS was a very competitive environment. And I think everybody who would see this would know that, right?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"But to me, to meet Korina today when she came to the house. I would already see Korina in Socials because we have the same set of friends, but really napakagaan. Bakit ganon? Because it is in God's perfect time," dagdag pa niya.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tahanan na ni Kris Aquino ang wheelchair nito: "Napakatindi"

Katunayan, inaayos na nila ang schedule ng panayam naman ni Karen kay Korina.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Karen:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel