Lyca Gairanod, napatili sa Rattlesnake Eggs prank ni Yassi Pressman

Lyca Gairanod, napatili sa Rattlesnake Eggs prank ni Yassi Pressman

- Napasigaw si Lyca Gairanod nang buksan niya ang inabot ni Yassi Pressman sa kanya na dilaw na sobre

- Ayon kay Yassi ay pagkain daw ito na natikman niya sa abroad na ang tawag ay Rattle snake eggs

- Aminado si Lyca na nagagandahan siya sa kulay ng mga ahas ngunit hindi daw talaga niya kayang hawakan ang mga ito

- Hindi lingid sa publiko ang hilig ni Yassi sa pag-aalaga sa ahas at sa katunayan ay mayroon siyang alagang ahas sa kanyang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napatili si Lyca Gairanod nang mabiktima siya ng Rattlesnake Eggs prank. Hindi naman pinagkaila ni Lyca na takot siya sa mga ahas kahit pa nagagandahan siya sa kulay ng mga ito.

Lyca Gairanod, napatili sa rattlesnake eggs prank ni Yassi Pressman
Lyca Gairanod, napatili sa rattlesnake eggs prank ni Yassi Pressman (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Sa YouTube channel ni Yassi ay nakasama niya si Lyca para sa kanyang #CAReokeWithYassi. Nabanggit ni Yassi ang biro ni Lyca na gumawa sila ng content kung saan pupunta sila sa bahay ni Yassi at sisirain lang ni Lyca ang gamit niya.

Read also

Yassi Pressman, emosyonal nang mapakinggan nang personal ang pagkanta ni Lyca Gairanod

Ang hindi lang umano kaya ni Lyca ay ang alagang ahas ni Yassi. Dito na pinasok ni Yassi ang tungkol sa umano'y natikman niyang snack na Rattlesnake Eggs. Nang tangka nang buksan ni Lyca ang sobre ay natapon niya ito sabay sigaw.

Tawang-tawa naman si Yassi at aniya, sa tingin niya ay baka hindi niya makakalimutan ang reaksiyon ni Lyca.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex

Binahagi ni Lyca sa kanyang live video ang naiwang pinsala ng Bagyong Paeng sa kanilang lumang bahay. Nawasak ang bahay na ayaw iwanan ng kanyang lola at pinagpapahingahan umano nito. Hindi naman nila mapaayos pa ang bahay dahil malakas pa ang alon at maari pang maulit ang nangyari dahil maaring manalanta pa ang sumusunod na bagyo. Gayunpaman, nilinaw ni Lyca na ipapaayos niya ang lumang bahay dahil alam niyang iyon ang magpapasaya sa kanyang lola.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate