Alex Gonzaga sa mga haters niya: "Why will I be affected with their opinion?"

Alex Gonzaga sa mga haters niya: "Why will I be affected with their opinion?"

- Nabanggit ni Alex Gonzaga na hindi talaga siya nasasaktan sa pang-aatake ng haters niya sa kanya sa pamamagitan ng pagsabing baog siya at hindi na magkakaanak

- Aniya, hindi naman alam ng mga ito kung ano ang nasa medical record niya at kung ano ang sabi ng kanyang doktor

- Hindi din daw niya naramdaman na nawalan siya ng baby dahil wala naman daw baby na nabuo dahil blighted ovum ang nangyari sa kanya

- Aniya, walang nabuong baby sa kanyang sinapupunan noon ngunit aniya dahil sa nangyari ay napagtanto nilang may kakayahan siyang magbuntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Alex Gonzaga, hindi siya dapat maapektuhan sa mga sinasabi ng haters niya na baog siya. Aniya, hindi naman alam ng mga ito ang medical record niya.

Alex Gonzaga sa mga haters niya: "Why will I be affected with their opinion?"
Alex Gonzaga sa mga haters niya: "Why will I be affected with their opinion?" (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Aniya, kahit hindi siya apektado ay naiisip niya ang ibang mga babaeng kagaya niya na dumaan din sa pinagdadaanan niya.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex

Kwento niya, ang ganda ng mga sinasabi ng OB niya. Maging ang mga test results niya ay maganda ang resulta kaya hindi daw siya apektado sa mga opinyon ng ibang tao.

Gayunpaman, naiisip niya din ang mister niya na apektado din sa hindi natuloy na pagbubuntis niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi din daw niya naramdaman na nawalan siya ng baby dahil wala naman daw baby na nabuo dahil blighted ovum ang nangyari sa kanya. Aniya, walang nabuong baby sa kanyang sinapupunan noon ngunit aniya dahil sa nangyari ay napagtanto nilang may kakayahan siyang magbuntis.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel