Jak Roberto at Rocco Nacino, kinaaliwan sa kanilang AI challenge

Jak Roberto at Rocco Nacino, kinaaliwan sa kanilang AI challenge

- Kinaaliwan sina Jak Roberto at Rocco Nacino sa kanilang binahaging video kung saan ginawa nila ang nauusong AI challenge sa TikTok

- Nagsuot sila ng mask na may butas at kita ang kanilang mga bibig habang tawa sila nang tawa

- Ang challenge na ito ay ginagawa ng maraming TikTok users simula nang mauso at sumikat ang TikTok user na si Taypeng

- Siya ang nagpauso ng ganitong mask habang ginagawa ang AI live sa TikTOk kung saan gumagawa ng iba't-ibang kilos at tunog ang naka-live base sa pinapadalang stickers sa kanya na may katumbas namang halaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Jak Roberto at Rocco Nacino sa kanilang AI challenge sa TikTok suot ang mask na may butas. Hindi mapigilang matawa ng dalawang Kapuso stars habang ginagawa ang challenge.

Read also

Melai Cantiveros at Herlene Budol, kinaaliwan sa kanilang TikTok video

Jak Roberto at Rocco Nacino, kinaaliwan sa kanilang AI challenge
Jak Roberto at Rocco Nacino, kinaaliwan sa kanilang AI challenge
Source: Facebook

Ang ganitong challenge ay pinauso ng TikTok user na si Taypeng na nakasuot ng butas na mask at ito daw ay 3D mask.

Ito ang kanyang suot habang ginagawa ang AI challenge. Sa naturang challenge ay gumagawa ng iba't-ibang kilos at tunog ang naka-live base sa pinapadalang stickers sa kanya na may katumbas namang halaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptation ng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Rendon Labador, binahaging kinasabwat ni Janno Gibbs na i-prank ang host na si Stanley

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Jak Roberto ang isang virtual tour sa kanyang dream house na dinesenyo ng mga Tier One Architects. Pinakita niya ang naging proseso ng kanyang pagpapagawa ng design. Masaya siyang matapos ang ilang taon na pagpaplano ay mauumpisahan na ang pagpapagawa niya ng bahay niya. Nangako siyang magbibigay siya ng update.

Maging si Barbie ay nag-post din tungkol sa kanyang dream house kamakailan. Binahagi niya ang groundbreaking ceremony para sa ipapagawa niyang bahay para sa kanya at sa pamilya niya. Aniya, proud siya sa kanyang sarili sa kanyang bagong milestone. Kabilang sina Jak Roberto, Julie Anne San Jose, Carla Abellana at Andrea Torres sa bumati sa kanya sa bago niyang accomplishment.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel