Buboy Villar, naiyak sa tuwa matapos sorpresahin ni Jelai Andres ng concert ticket

Buboy Villar, naiyak sa tuwa matapos sorpresahin ni Jelai Andres ng concert ticket

- Sinorpresa ni Jelai Andres ang kaibigang si Buboy Villar ng isang SVIP ticket para sa concert ng paborito nilang mang-aawit na si Unique Salonga

- Hindi maitago ni Buboy ang kanyang tuwa matapos makita ang ticket dahil nauna na siyang sinabihan ni Jelai na hindi siya nakabili

- Pinagpawisan nang matindi si Buboy at ayon kay Jelai ay naluluha pa ito

- Marami naman ang natuwa at naaliw sa magkaibigan na malimit magkasama sa kanilang mga vlogs

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tuwang-tuwa si Buboy Villar matapos iabot sa kanya ng kaibigang si Jelai Andres ang SVIP ticket para sa concert ng paborito nilang mang-aawit na si Unique Salonga. Pinagpawisan pa ito at naluha ayon kay Jelai.

Buboy Villar, naiyak sa tuwa matapos sorpresahin ni Jelai Andres ng concert ticket
Buboy Villar, naiyak sa tuwa matapos sorpresahin ni Jelai Andres ng concert ticket (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Bago ibigay ni Jelai ang ticket, nagkunwari muna siyang gagawa sila ng content at iyon ay paunahan sa paghula ng pamagat ng kantang pinapatugtog. Nang patugtugin ang kanta ni Unique ay sabay pa silang sumagot.

Read also

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3d sonogram ng kanilang baby Meteor

Dito na isiningit ni Jelai na hindi siya nakabili ng ticket. Ayon naman kay Buboy, hindi naman dapat na malungkot at gagawan na lamang nila ng ibang paraan. Naniwala naman daw si Buboy na naubusan sila ng ticket dahil sa lakas ng benta ng ticket sa naturang concert kung saan makakasama ni Unique sina Kean Cipriano at Adie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel