Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3d sonogram ng kanilang baby Meteor

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3d sonogram ng kanilang baby Meteor

- Pinasilip nina Antonette Gail Del Rosario at Whamos ang 3D sonogram ng kanilang Baby Meteor

- Masayang pinagmamasdan nina Antoinette at Whamos ang kanilang baby na ayon kay Whamos ay mas nagiging kamukha na ni Antoinette

- Nabanggit din niyang, ang labi at baba ay kuhang-kuha na sa mommy nito

- Aniya, may naisip na rin siyang pangalan para sa anak nila na tinatawag nilang si Baby Meteor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Whamos, mas kamukha na ni Antonette Gail Del Rosario ang anak nilang si Baby Meteor. Sa bagong vlog ni Antoinette ay pinakita nila ang 3d sonogram ng kanilang baby.

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3d sonogram ng kanilang baby Meteor
Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3d sonogram ng kanilang baby Meteor (Whamoscruz)
Source: Facebook

Nabanggit din ni Whamos na kung dati ay kahawig niya ang baby, mas nagiging kahawig na umano ito ngayon ng mommy nito. Habang tinitingnan ang sonogram ay sinabi ni Whamos na kuhang-kuha nito ang labi at baba ni Antoinette.

Read also

Buboy Villar, naiyak sa tuwa matapos sorpresahin ni Jelai Andres ng concert ticket

May naisip na rin umano siyang pangalan ngunit hindi pa ito buo dahil nag-iisip din si Antoinette ng magandang pangalan para sa kanilang anak.

Samantala, makikita din sa vlog ni Antoinette ang kanilang pagbili ng Christmas tree at mga giveaways para sa mg customer na bumibili ng kanilang mga produkto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antoinette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antoinette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel