Bea Alonzo, legal na residente na ng Spain matapos mag-invest ng halos P30 million

Bea Alonzo, legal na residente na ng Spain matapos mag-invest ng halos P30 million

- Naibahagi ni Bea Alonzo na isa na siyang legal na resident ng Spain kasunod ng kanyang pagbili ng apartment doon

- Ayon sa kanya kagagaling lang niya sa mahabang bakasyon sa Spain para sa kanyang Golden Visa

- Ito ang binibigay na Residency by Investment (RBI) program para sa mga banyaga na mag-iinvest sa real estate sa halagang di bababa sa 500,000 Euros o halos P30 million

- Matatandaang kamakailan lang ay masayang binahagi ni Bea na nadala niya na ang kanyang ina sa Spain para ipakita ang nabili niyang apartment doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Bea Alonzo na legal resident na siya sa Spain matapos niyang makuha ang kanyang Golden Visa. Nabanggit niya ito nang makaharap niya ang media sa ginanap na presscon para sa huling mga episode ng Start Up PH.

Bea Alonzo, legal na residente na ng Spain matapos mag-invest ng halos P30 million
Bea Alonzo, legal na residente na ng Spain matapos mag-invest ng halos P30 million (@beaalonzo)
Source: Instagram

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Bea na galing siya sa mahabang bakasyon doon para makuha ang Golden Visa niya.

“Galing ako sa isang mahabang bakasyon. 26 days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so am now a resident of Spain,”

Sa naunang ulat ng ABS-CBN News, matatandaang nadala na ni Bea ang kanyang mama sa Spain para ipakita ang apartment na nabili niya para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ulat naman ng Inquirer.net, buwan ng Mayo nang ibahagi ni Bea na natupad na ang pangarap niyang makabili ng sarili niyang apartment sa ibang bansa.

Ang binibigay na Residency by Investment (RBI) program ay para sa mga hindi residente na mag-iinvest sa real estate sa halagang di bababa sa 500,000 Euros o halos P30 million.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel