Vhong Navarro, nilipat na sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center
- Nailipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail ngayong araw, November 21, 2022
- Sa video na binahagi ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua, makikita ang paglabas ng TV host mula sa NBI Detention Center
- Matatandaang sa naunang pahayag ng abogado ni Vhong, alinsunod umano ang paglipat sa kanya sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69
- Samantala, hinihintay pa rin ng kampo ni Vhong ang desisyon sa kanyang petisyon na isinampa upang payagan siyang makapagpiyansa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nilipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail ngayong araw. Makikita sa video na binahagi ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua ang paglabas ni Vhong sa NBI Detention Center.
Sa naunang nilabas na pahayag ng abogado ni Vhong, nilinaw nila na walang kinalaman sa isinampa niyang bail petition ang paglipat sa kanya sa Taguig. Alinsunod umano ito sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.
Sinabi ng isa sa abogado ni Vhong na si Atty. Maggie Garduque na tiniyak ng korte na ligtas ang pasilidad ng Taguig City Jail bago ang paglipat sa aktor.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Source: KAMI.com.gh