Empoy Marquez, aminadong nanginig dahil sa prank sa kanya ni Alex Gonzaga

Empoy Marquez, aminadong nanginig dahil sa prank sa kanya ni Alex Gonzaga

- Si Empoy Marquez ang nakasama ni Alex Gonzaga sa pinakabago niyang vlog

- Lingid sa kaalaman ni Empoy, nakaplano na pala ang prank ni Alex sa kanya at ang pagkakaalam niya ay magiging bodyguard lang siya ni Alex

- Isang lalaki sa parking area ang naging kasabwat ni Alex sa kanyang prank at naatasang mang-away kay Empoy

- Ani Empoy nanginig talaga ang likod niya matapos siyang awayin ng lalaking kasabwat ni Alex sa prank

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinagkaila ni Empoy Marquez na kinabahan siya matapos siyang sungitan ng lalaki sa parking area na lingid sa kaalaman niya ay kasabwat pala ni Alex Gonzaga sa pangpa-prank sa kanya. Ani Empoy nanginig yung likod niya dahil sa nangyari.

Empoy Marquez, aminadong nanginig sa prank sa kanya ni Alex Gonzaga
Empoy Marquez, aminadong nanginig sa prank sa kanya ni Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa pagkakaalam ni Empoy ay magiging bodyguard lang siya ni Alex kaya naman, hindi siya nakahalata sa prank sa kanya. Sinubukan niyang pakiusapan ang lalaking nakatayo sa parking area malapit sa sasakyan ni Alex at nagalit ito kunwari dahil sa pinapaalis siya.

Read also

Zeinab Harake, aminadong "nawawala pa"; humuhugot ng lakas sa kanyang mga anak

Isang guard ang umawat sa lalaki dahil hindi din nito alam ang tungkol sa prank. Tila naman nabunutan ng tinik si Empoy nang mapag-alamang prank lamang ang mga nangyari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel