Kuya Atienza sa samahan nila sa Showtime: "We are all family regardless of network or show"

Kuya Atienza sa samahan nila sa Showtime: "We are all family regardless of network or show"

- Sinagot ni Kim Atienza ang mensahe ni Vice Ganda sa mga dating nakasama nila sa It's Showtime kabilang si Kuya Kim na dating co-host niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Tinugunan ni Kuya Kim ng "You're very welcome" ang pasasalamat na pinaabot ni Vice sa mga naging bahagi ng It's Showtime

- Sinagot din niya ang isang tweet ng netizen ang tungkol sa hangad nito na maayos na ang pagkakaibigan nina Kuya Kim, Billy Crawford, Vice Ganda at Jhong Hilario

- Nilinaw ni Kuya Kim na hindi naman nasira ang pagkakaibigan nila at pamilya sila magkaiba man sila ng network at show

Sinagot ni Kim Atienza ng "You're very welcome" ang pasasalamat na pinaabot ni Vice sa mga naging bahagi ng It's Showtime. Nilinaw din ni Kuya Kim na hindi naman nasira ang pagkakaibigan nila at pamilya sila magkaiba man sila ng network at show.

Read also

Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel

Kuya Atienza sa samahan nila sa Showtime: "We are all family regardless of network or show"
Kuya Atienza sa samahan nila sa Showtime: "We are all family regardless of network or show" (@(@kuyakim_atienza)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang tweet sinabi din ni Kuya Kim na hangad niya ang "best" para kay Vice at sa lahat ng It's Showtime family.

Sinagot din niya ang isang tweet ng netizen ang tungkol sa hangad nito na maayos na ang pagkakaibigan nina Kuya Kim, Billy Crawford, Vice Ganda at Jhong Hilario. Aniya ay hindi naman nasura ang kanilang pagkakaibigan at mananatili silang pamilya.

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Kamakailan ay nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na foreiners. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.

Read also

Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin

Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalmatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel