Toni Gonzaga, pinagdarasal si Vhong Navarro sa kinakaharap nitong pagsubok

Toni Gonzaga, pinagdarasal si Vhong Navarro sa kinakaharap nitong pagsubok

- Naibahagi ni Toni Gonzaga ang kanyang saloobin kaugnay sa kinakaharap ng dating leading man na si Vhong Navarro

- Sa ginanap na I Am... Toni presscon para sa 20th anniversary celebration niya, aminado siyang nalulungkot siya sa nangyayari kay Vhong

- Gayunpaman, aniya ay wala naman siyang ibang magagawa kundi ipagdasal ang kaligtasan nito at mapabilis ang proseso nang matapos na

- Matatandaang nagkatambal sina Vhong at Toni sa pelikula nilang D’Anothers noong 2005

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Toni Gonzaga na nalulungkot siya para kay Vhong Navarro sa pinagdadaanan nitong pagsubok. Sa video ng panayam kay Toni na binahagi ng Entertainment columnist na si Vinia Vivar, sinabi ni Toni na pinagdadasal niya ang kaligtasan ni Vhong at sana mapabilis ang proseso nang matapos na.

Toni Gonzaga, pinagdarasal si Vhong Navarro sa kinakaharap nitong pagsubok
Toni Gonzaga, pinagdarasal si Vhong Navarro sa kinakaharap nitong pagsubok (@vhongx44)
Source: Instagram

Sa ginanap na I Am... Toni presscon para sa 20th anniversary celebration niya, sinabi ni Toni na hanagad niyang mapabilis na ang proseso upang matapos na ang kinakaharap na problema ng dating leading man na si Vhong.

Read also

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

Matatandaang nagkatambal sina Vhong at Toni sa pelikula nilang D’Anothers noong 2005.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel