Paghahanap ng 3 pang Wowowin dancer na may sahod na Php70,000, kinagiliwan online

Paghahanap ng 3 pang Wowowin dancer na may sahod na Php70,000, kinagiliwan online

- Kinagiliwan online ang post ng dance choreographer na si Anna Feliciano

- Ito ay patungkol sa paghahanap nila ng tatlo pang interesado na maging Wowowin dancer

- Tumataginting na Php70,000 ang naghihintay na sahod sa mapipiling mga dancer

- Gayunpaman, may ilang nakakatuwang mga komento ng netizens na ipinagpasalamat pa rin ni Anna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naaliw ang maraming netizens nang mabasa ang post ng dancer/choreographer na si Anna Feliciano.

Paghahanap ng 3 pang Wowowin dancer na may sahod na Php70,000, kinagiliwan online
Wowowin dancers (Anna Feliciano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naghahanap umano ito ng tatlo pang karagdang mga dancers si Anna para sa programa ni Willie Revillame, ang Wowowin.

At ang tila naging agaw-pansin sa post ay ang halagang Php70,000 na sahod umano ng mapipiling dancer.

"I need 3 more dancers for Wowowin. Send me your dance samples if interested. Stay-in/out @ Wil Tower. Mondays to Saturdays 7-8:30pm. 70k monthly."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang ilan, seryoso ang naging komento habang ang ilan ay labis itong kinagiliwan.

Kasama umano sa mga qualifications ay ang pagpapakita ng dance sample nito sa pamamagitan ng video.

Narito ang ilan sa mga makukulit na komento ng netizens:

"Ay talaga po ba Php70,000? Magpapaalam lang po ako sa mama ko"
"PM sent po, with matching ocho-ocho pa po"
"Pagod na akong mag-engineering gusto ko nalang gumiling"
"Ganyan pala ang kinikita ng mga dancers? Kung ganoon, goodbye OFW Hello Wowowin"

Samantala, aminadong naaliw din si Anna sa mga komento ng netizens at pinasalamatan niya ang mga ito sa suportang ipinaramdam sa kanya at sa nasabing programa

"Nakakatuwa ang mga comments. Thank you sa warm support," ani Anna.

Narito ang kabuuan ng post:

Ang Wowowin ay isang variety show ni Willie Revillame na nagbibigay aliw at tulong sa mga kababayan nating Pilipino. Una itong napanood noong 2015 sa GMA 7 hanggang 2022.

Ito ay bago tuluyang magdesisyon si Willie na maging bahagi ng AMBS 2 na pagma-may-ari ni Manny Villar.

Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong ni Willie sa mga kababayan nating matiyagang tumututok sa kanyang programa. Katunayan, maging sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 at 2021, tuloy pa rin ang kanyang programa na napapanood din sa kanyang YouTube channel na Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel