Ivana at Amira Alawi, kinaaliwan sa kanilang pag-swap ng pananamit

Ivana at Amira Alawi, kinaaliwan sa kanilang pag-swap ng pananamit

- Kinaaliwan sina Ivana at Amira Alawi sa video na binahagi ni Ivana kung saan nagpalit sila pansamantala ng pananamit at ugali

- Maging ang mga kapatid nilang sina Mona at Hashim Alawi ay tawang-tawa sa kanilang dalawa dahil sa magkasalungat daw sila

- Sinabi si Amira na siya ay nag-aalangan kung kakayanin niya dahil aniya, sila ay total opposites

- Dagdag pa niya, siya ay isang introvert samantalang ang kapatid na si Ivana ay extrovert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napapayag ni Ivana Alawi ang kapatid niyang si Amira Alawi na gawin ang video niyang "Swapping lives with ate Amira." Kinaaliwan ang dalawa na maituturing umano na magkasalungat ang personalidad sa isa't-isa.

Ivana at Amira Alawi, kinaaliwan sa kanilang pag-swap ng pananamit
Ivana at Amira Alawi, kinaaliwan sa kanilang pag-swap ng pananamit (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Maging ang mga kapatid nilang sina Mona at Hashim Alawi ay tawang-tawa sa kanilang dalawa dahil sa magkasalungat daw sila. Ani Amira, baka hindi niya kayanin dahil aniya, sila ay total opposites. Dagdag pa niya siya ay isang introvert samantalang ang kapatid na si Ivana ay extrovert.

Read also

Gary Valenciano, nanalangin para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch"

Marami naman ang natuwa na tila, unti-unti nang nakakasabay si Amira sa kakulitan ng kanyang mga kapatid.

Love to see ate Amira smiling and vibing like this. Thanks to ate Ivana 'cause she's really trying her best to make ate Amira more confident about herself.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natawa talaga ako kay Amira mahinhin parin eh pero she's trying her best to fullfill the task naman mapag bigyan lang ang Sister nya.
I love seeing ate Amira trying her hardest to be out of her comfort zone. I can see how much she loves her siblings.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Sarah Geronimo, kinaaliwan sa pagbisita niya sa kusina ni Ninong Ry

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel