Robi Domingo, 'di pa umano maka-move on sa 'market issue' kay Zeinab ayon kay Ogie D

Robi Domingo, 'di pa umano maka-move on sa 'market issue' kay Zeinab ayon kay Ogie D

-Tila hindi pa raw umano maka-move on si Robi Domingo sa naging isyu umano nila ni Zeinab Harake

-Ayon kay Ogie Diaz marami umanong netizen ang nakakapansin na madalas pa rin na gamitin ni Robi ang salitang market

- Maging sa mga caption ng kanyang proposal patungkol pa rin sa salitang 'Market'

- Matatandaang isa sa mga na-screenshot umano ni Wilbert Tolentino sa ngayo'y burado nang 'Ang Rebelasyon' video ay ang mga nasabi ni Zeinab na wala umanong 'market' si Robi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila hindi pa rin umano nakaka-move on si Robi Domingo sa Market issue nila ni Zeinab Harake.

Ayon kay Ogie Diaz, kapansin-pansin umano ang mga post ni Robi Domingo na madalas pa ring magamit ang salitang 'market'

"Kaya naman 'yung iba nagko-comment na 'Ano ba 'yan tapos na yung isyu Robi, ba't ibabalik mo pa 'yung market?"

Read also

Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"

"Parang paulit-ulit, parang hindi na siya nakamove-on habang naka-move on na si Zeinab," ani Ogie.

Subalit ayon din kay Ogie, naiintindihan niya umano si Robi at kung bakit nagiging paulit-ulit kamakailan ang salitang naging isyu patungkol sa kanya.

"Opinyon ko lang to ah. May mga ganun talagang tao. Na kung ano 'yung issue sa kanila, o kung ano 'yung naging big deal ng mga tao tungkol sa kanya, gagamitin niya 'yun para makahinga siya."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Intinding-intindi ko si Robi. May mga ganyan din akong moment. Hindi dahil hindi ako naka-move on. Naka-move on na ako, wala lang trip ko lang siya."

Matatandaang nagsimula ang kontrobersiya na ito kay Robi nang ilabas umano ni Wilbert Tolentino sa publiko ang screenshot ng ilan sa mga naging usapang nila ni Zeinab Harake.

Read also

Andrew Schimmer, nag-sorry sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya

Isa na nga rito ang bahagi kung saan nasabi ni Zeinab na wala umanong 'market' si Robi.

Mula noon, sunod-sunod na ang naging post ni Robi na may salitang market.

Agad namang humingi ng dispensa si Zeinab kung saan tatlong white hearts lang ang naging reply ni Robi.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel