Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro

Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro

- Dumating si Deniece Cornejo sa huling araw ng pagdinig sa petition ng kampo ni Vhong Navarro na payagan siyang magpiyansa

- Dumalo siya kasama ang kanyang abogado na si Atty. Howard Calleja para sa cross examination at para magbigay ng testimonya laban kay Vhong

- Hindi naman nagpaunlak ng panayam o nagbigay ng kahit na anong pahayag ang kampo nila

- Matatandaang September 19 nang kasalukuyang taon nang ibaba ang arrest warrant kay Vhong dahilan kung bakit siya boluntaryong sumuko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Deniece Cornejo ay nagbigay ng kanyang testimonya laban kay Vhong Navarro sa huling araw ng pagdinig sa bail petition ni Vhong. Dumalo siya kasama ang kanyang abogado na si Atty. Howard Calleja para sa cross examination.

Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro
Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Samantala, hindi na nagbigay ng pahayag o nagpaunlak ng panayam ang kampo ni Cornejo. Makikita sa video na binahagi ni Luisito Santos ng DZBB Super Radyo na tuloy lang sa paglakad sina Cornejo sa kabila ng paghingi ng ilang taga-media ng pahayag mula sa kanila.

Read also

Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"

Matatandaang September 19 nang kasalukuyang taon nang ibaba ang arrest warrant kay Vhong dahilan kung bakit siya boluntaryong sumuko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate