Hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro, natapos na ngayong araw

Hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro, natapos na ngayong araw

- Natapos na ang pagdinig sa petition na inihain ng kampo ni Vhong Navarro na payagan siyang makapagpiyansa

- Muli ay nakibahagi si Vhong sa hearing sa pamamagitan lamang ng video conference

- Si Atty. Alma Mallonga ang dumalo para sa cross examination kay Deniece Cornejo

- Ayon kay Atty. Mallonga, ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para mailabas ang katotohanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ang bail hearing sa kaso ni Vhong Navarro ay natapos na ngayong araw. Hindi man personal na dumalo ang aktor, si Atty. Alma Mallonga ang dumalo para sa cross examination kay Deniece Cornejo.

Hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro, natapos na ngayong araw
Hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro, natapos na ngayong araw (@vhongx44)
Source: Instagram

Sa ginanap na ikalimang araw ng bail hearing, nakibahagi si Vhong sa pamamagitan na lamang ng video conference.

Ayon kay Atty. Mallonga, ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para mailabas ang katotohanan.

"We did our best. We did everything that was necessary in our belief to show the truth and the truth is that Vhong from our perspective is entitled to bail,"

Read also

Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na nagpaunlak ng panayam si Cornejo maging ang kanyang abogado.

Naibahagi naman ni Atty. Mallonga na maayos naman ang lagay ng aktor sa gitna ng pinagdadaanan nito. Mas ramdam umano ni Vhong ang pagmamahal ng pamilya niya.

"Mas na-appreciate niya ang family, mas nakita niya ang pagmamahal ng mga anak niya at asawa niya sa kaniya, nanay niya, at fans. Support ng mga kaibigan"

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate