Maricar Reyes, naging emosyonal nang binalikan ang pinagdaanang kontrobersiya

Maricar Reyes, naging emosyonal nang binalikan ang pinagdaanang kontrobersiya

- Nakapanayam ni Toni Gonzaga si Maricar Reyes sa kanyang YouTube channel

- Naibahagi ni Maricar ang kanyang matinding pinagdaanan nang lumabas ang kontrobersiyal na video noong 2009

- Naiyak siya nang magkaroon siya ng realization tungkol sa kanyang pinagdaanan at kung paano siya unti-unting nakabangon

- Sa kabila ng eskandalong kinasangkutan hindi umano tumigil sa pagtatrabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binalikan ni Maricar Reyes ang kanyang pinagdaanan nang lumabas ang video niya noong 2009. Sa video na binahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel, hindi napigilan ni Maricar ang maging emosyonal.

Maricar Reyes, naging emosyonal nang binalikan ang pinagdaanang kontrobersiya
Maricar Reyes, naging emosyonal nang binalikan ang pinagdaanang kontrobersiya (@maricareyespoon)
Source: Instagram

Gayunpaman, naiyak siya dahil napagtanto niyang mahal siya ng Panginoon. Hindi na umano siya apketado na maisip ng mga tao na masama siyang babae.

Sa kabila ng eskandalong kinasangkutan hindi umano tumigil sa pagtatrabaho.

Hindi umano naging madali ang pagtanggap niya sa pangyayari dahil lumabas ang naturang video sa kasagsagan ng magandang showbiz career niya. Sa katunayan ay may mga ginagawa pa siyang serye noong lumabas ang video.

Read also

K Brosas, sinabing parang dalawang bahay ang binili niya sa lahat ng nagastos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos niyang makasama si Yeng Constantino sa trabaho, nakita niya kung gaano ito kasipag magbasa ng Bibliya. Hindi naman umano pinilit sa kanya ni Yeng ang tungkol dito ngunit may pinakilala umano ito sa kanya na nagbukas sa kanyang isipan at kinalaunan ay binasa niyang buo ang Bibliya.

Si Maricar Reyes ay nagtapos sa University of Sto. Tomas sa kursong medisina. Nakapasa na rin siya sa licensure exam para sa mga doctor. Bago siya naging aktres, naging bahagi siya ng ilang TV at print advertisements sa Pilipinas at sa South East Asia. Una siyang lumabas sa ABS-CBN's Komiks Presents: Kapitan Boom. Naging bahagi din siya ng seryeng I Love Betty La Fea at Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers.

Naibahagi ni Maricar na nagpasuri sila ng kanyang asawang si Richard P0on para malaman kung mayroon silang infertility issues. Napag-alaman nilang wala naman silang problem at hindi pa malinaw kung ano ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila nagkakaanak. Gayunpaman, wala namang problema kay Maricar kung hindi sila mabibigyan ng anak. Hindi naman umano kabawasan sa pagkatao niya bilang babae kapag hindi siya magkaanak.

Read also

Bride, napahagulhol nang malamang LET passer na rin sa mismong araw ng kanyang kasal

Kamakailan nga ay nag-launch ng kanyang sinulat na libro si Maricar kung saan binahagi niya ang kanyang kwento tungkol sa pinagdaanang kontrobersiya. Binahagi niya ang dahilan kung bakit meaningful sa kanya ang libro. Umabot sa 12 taon para matapos niya ang libro. Aniya, para sa mga taong may pinagdadaanang mabigat, palaging may prosesong dadaanan para sa paghilom.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate