Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy

Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy

- Nagsalita si Dimples Romana kaugnay sa halos dalawang buwan na pananahimik ni Angel Locsin sa social media

- Sa YouTube video na binahagi ng ABS-CBN entertainment writer na si Kiko Escuadro, sinabi ni Dimples na deserved naman ni Angel ang privacy nito sa kasalukuyan

- Mismong siya umano ay nakakaranas ng panahon na gusto niyang pagtuunan ang personal na buhay

- Si Dimples ay isa sa kilalang pinakamalapit na kaibigan ni Angel sa mundo ng showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Dimples Romana, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel Locsin at mister nitong si Neil Arce. Sa YouTube video na binahagi ng ABS-CBN entertainment writer na si Kiko Escuadro, sinabi ni Dimples na deserved naman ni Angel ang privacy nito sa kasalukuyan.

Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy
Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Aniya, normal lang ang ginagawang pagpapahinga ni Angel para tutukan ang kaniyang personal na buhay.

Read also

Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak

Maging siya umano ay dumadating sa puntong gusto niyang maging pribado.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since."

Matatandaang matapos ang matagal na pananahimik ni Angel, naging palaisipan sa publiko kung may pinagdadaanan silang mag-asawa.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Nick Carter sa pagpanaw ng kapatid na si Aaron; "My heart is broken"

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: