Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Jelai Andres, pumunta sa bahay ni Ivana Alawi

Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Jelai Andres, pumunta sa bahay ni Ivana Alawi

- Sina Zeinab Harake, Jelai Andres at anak ni Zeinab na si Bia ang kasama ni Donnalyn Bartolome sa kanyang panibagong video

- Pinuntahan nila ang ilan sa kanilang mga kaibigan para mag-trick or treat

- Kabilang sina Alex Gonzaga, JM De Guzman at Ivana Alawi sa kanilang pinuntahan

- Pinakahuli nilang pinuntahan si Ivana na tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagkaharap sina Zeinab Harake at Ivana Alawi matapos pumunta ng magkakabigang Donna Bartolome, Jela Andres at Zeinab sa bahay ni Ivana. Kasama din ng "DoLaiNab" ang anak ni Zeinab na si Bia na naka-costume din para maki-trick or treat.

Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Jelai Andres, pumunta sa bahay ni Ivana Alawi
Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Jelai Andres, pumunta sa bahay ni Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Una nilang pinuntahan si Alex Gonzaga habang nasa taping ito at masayang-masaya ito na makita lalo na ang anak ni Zeinab. Sunod na pinuntahan nila ay si JM de Guzman na kamakailan ay napabalitang umamin na may gusto kay Donnalyn.

Hindi naman nakaligtas si Donna sa pangangantiyaw ng kanyang dalawang kaibigan.

Huling pinuntahan nila ang bahay ni Ivana. Bukod sa candies ay may nilabas pa itong inumin para sa kanyang mga bisita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang natuwa na sa kabila ng nagdaang kontrobersiya ay maayos pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Kamakailan ay binahagi ni Ivana ang panibagong vlog kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, mananalo ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel