Robi Domingo sa unfollow issue: "Please check your facts first"
- Pinabulaanan ni Robi Domingo ang lumabas na issue kaugnay sa umano'y pag unfollow niya kay Daniel Padilla
- Sa isang post ay sinabi niyang hindi totoo kung ano man ang kumakalat tungkol sa kanya
- Si Robi ay kilalang isa sa mga kaibigan ng dalawa na nadadawit simula nang lumabas ang isyu na hiwalay na sina Kathryn at Daniel
- Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag na inilalabas ang magkabilang kampo upang pabulaanan o di kaya ay kumpirmahin ang kumakalat na haka-haka
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Robi Domingo, walang katotohanan ang kumakalat na isyu tungkol sa kanya. Ito ay matapos lumabas ang balitang pati siya ay nag-unfollow umano kay Daniel Padilla.
Kabilang siya sa mga iniintriga tungkol sa unfollow isyu kasunod ng paglabas ng usap-usapan na diumano ay hiwalay na sina Daniel at Kathryn Bernardo.
Whatever is circulating around involving me, it's not true. Please check your facts first.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag sina Kathryn at Daniel kaugnay sa usaping ito na nagsimula sa blind item. Wala pang pag-amin o pag-deny mula sa magkabilang kampo.
Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.
Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh